Si Asang Wankhede ay isang abogado laban sa diskriminasyon at nagmula sa komunidad ng Dalit — isang grupong itinuturing na “untouchables” sa India.
“It's a form of social stratification, which is based on the notion of purity and pollution,” saad niya.
By the accident of your birth, you are assigned a particular status in the society, and that status cannot be overcome.
Pinangunahan ni Wankhede ang pananaliksik tungkol sa caste discrimination sa Australia, at nakipag-usap siya sa mga Dalit mula sa iba’t ibang malalaking lungsod.
Natuklasan niya ang magkakaparehong kuwento ng caste discrimination sa iba’t ibang edad at lugar — kabilang ang mga paaralan, unibersidad at mga pinagtatrabahuhan.
Tahimik na lumalaganap ang caste discrimination sa Australia hanggang ngayon.
Pero unti-unti na itong kinikilala ng Australian Human Rights Commission at iba pang institusyon, na nagbibigay daan para sa legal na proteksyon laban sa ganitong uri ng diskriminasyon.
Tinatalakay sa episode na ito ng Understanding Hate kung paano nangyayari ang caste discrimination sa Australia, at paano ito nilalabanan ng ilang South Asian communities.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.




