SBS Examines: "Isusumbong mo ang pulis?" – Mga bagong paraan ng pagtugon sa racism ng mga African

African generations Header.png

Experiences of racism differ between generations in Australia's African diasporas. Credit: AAP, SBS

Para sa mga taong may lahing African, iba-iba ang karanasan sa racism at diskriminasyon. Paano nagsasama ang iba’t ibang henerasyon para maunawaan at harapin ang isyung ito?


Naranasan ni Nor Shanino ang racism habang lumalaki sa Australia bilang isang kabataang may lahing African.

Ibinahagi niya sa SBS Examines na sa loob lamang ng isang henerasyon, malaki na ang pinagbago sa kung paano tinitingnan ang racism sa kanilang komunidad.

"It was only when young people went and talked to legal aid ... You could see parents just being like, 'what, you're suing the police?' The parents were afraid of retaliation from the police, actual physical harm, because of the reality and the world and where they came from."

Si Tigist Kebede naman ay isang trauma counsellor na tumutulong sa mga kabataang may kulturang African.

Ayon sa kanya, mas madalas na ikuwento ng mas nakababatang henerasyon ang mga banayad o araw-araw na anyo ng racism, habang ang mas matatanda ay nakaranas ng mas lantad o sistematikong uri nito.

Ngunit sinabi rin niya na nagsisimula nang lumiit ang agwat na iyon, lalo na matapos ang mga anti-immigration rally at negatibong pananaw ng media at komunidad laban sa mga African nitong mga nakaraang taon.
There has been a bridge between generations.
"That has resulted in younger generations working with the older generations in tackling not only the experiences of racism, but the solutions," sinabi ni Kebede sa SBS Examines.

Tinatalakay ng episode na ito ng Understanding Hate kung paano hinaharap ng mga taong may lahing African ang racism sa loob ng kanilang sariling komunidad at sa pagitan ng mga henerasyon.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand