Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

CFO launches website to check if PDOS or GCP is required for departing Filipinos

The Commission on Filipinos Overseas has launched an online Visa Class Checklist to help travellers quickly determine if they need to undergo registration before their scheduled departure.

The Commission on Filipinos Overseas has launched an online Visa Class Checklist to help travellers quickly determine if they need to undergo registration before their scheduled departure.

The Commission on Filipinos Overseas has launched an online Visa Class Checklist to help travellers determine if they need to undergo registration before their scheduled departure.


Key Points
  • Travellers can use the online tool on the official CFO website (https://cfo.gov.ph/visa-class-checklist) to cross-check their visa category against the list of those required or exempted from documentation.
  • Checking the checklist in advance is a vital step in identifying whether a traveler is obligated to attend the Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) or the Guidance and Counseling Program (GCP).
  • For further verification or if your visa class is not listed, CFO advised to contact 𝟴𝟱𝟱𝟮-𝟰𝟳𝟬𝟬 𝗹𝗼𝗰𝗮𝗹 𝟳𝟴𝟳.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

TJ Correa: Sa mga kababayan po natin sa Pilipinas na lilipad na pa-Australia o sa ibang bansa pero nangangamba na ma-offload o magkaaberya sa inyong pinakahihintay na pag-alis, ito po'y isang mahalagang paalala na inilabas ng Commission on Filipino Overseas para sa mga kababayan nating babiyahe abroad, pinapayuhan po ng CFO ang lahat ng mga paalis na manlalakbay na Pinoy na i-verify

muna ang kanilang mga visa na kinakailangankung kinakailangan po bang dumaan sa proseso ng CFO. Binigyang diin po ng ahensya na hindi lahat ng visa holder ay obligadong magrehistro. E, paano nga ba malalaman- 'yun po yung unang tanong kung ikaw ba kailangang dumaan sa CFO process upang pong maiwasan ang kalituhan hinihimok po ang mga biyahero na kumonsulta sa visa class checklist

na matatagpuan po sa opisyal na website ng CFO, ito po yung cfo.gov.ph/visa-class-checklist, 'yan yung website-ulitin po natin cfo.gov.ph/visa-class-checklist. Iyan 'yung para makita po ninyo.

Gamit po ang online tool na ito maaari pong i-crosscheck ng ating mga kababayan ang class o yung kategoryang nakasulat po sa kanilang visa sa listahan po ng CFO. Ang simpleng hakbang po na ito ay magpapatunay kung ikaw ay required o exempted sa pagkuha ng CFO registration documents bago po ang inyong flight. Makikita po sa website, halimbawa mo pumunta kayo

doon sa nabanggit ng website e, makikita ninyo po yung inyong bansa na inyong pupuntahan halimbawa po sa Australia. I-click niyo lang po 'yung Australia at lalabas po doon 'yung mga visa type at description. Makikita ninyo po kung kayo ba'y kailangan dumaan sa pre-departure orientation seminar o PDOS na tinatawag o di kaya naman yung guidance and counseling program. Iyan po ang puntahan n'yo po para makita ninyo yung mga paalis pa lang. Ayon po sa CFO,

layunin nilang maiwasan ang mga sitwasyon kung saan nag-aalinlangan ang mga biyahero sa kanilang status sa mismong araw ng kanilang pag-alis sa pamamagitan ng pag-check sa checklist ng maaga makakasiguro po na hindi kayo mahaharang sa airport. Paalala naman daw po para sa mga may hawak ng type D visas patungong Europa, pinapayuhan po nga makipagugnayan sa CFO Frontline para kumpirmahin kung kailangan nilang magparehistro.

Para po sa karagdagang verification o kung wala sa listahan ng inyong visa subclass, maaaring ninyo pong tawagan ang CFO sa numerong 8552 4700 local 787. Numero po ito sa Pilipinas, ulitin natin 8552 4700 local 787 at siyempre po baka hindi niyo malista agad ng mabuti ito, pwede n'yo puntahan ito sa website ng CFO.

END OF TRANSCRIPT

Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now