Speaker A
Ngayong Australian Open 2026, may ilang mga
Filipino-Australian ang bahagi ng qualifying round
at nagnanais na makapasok sa main draw. At tutungo
sa huling qualifying round ay si
Filipino-Australian tennis player Jason Kubler.
Ibinahagi ni Jason ang kasiyahan niya matapos
talunin si Lithuanian player Vilius Gaubas sa
score na 7-5, 6-2. Aminado si Jason na malaking
bagay ang suporta ng buong stadium sa kanyang
naging laro. Si Jason ay mula sa Brisbane. Siya ay
naging pro noong 2011. Bahagi siya ng singles at
doubles tournament. Sa kabila ng injuries tulad ng
pagkakaroon ng knee surgeries na kinaharap niya sa
kanyang karera, hindi siya sumuko at pinagpatuloy
ang tennis Isa sa pinakamalaking pagkapanalo niya
ay ang pagwawagi sa men's doubles title sa
Australian Open 2023 kasama si Australian player
Rinky Hijikata. Bukod sa doubles title, naranasan
din niyang umabot sa second round ng Australian
Open sa singles. at nakameet ang career high
ranking na number 63 sa singles at number 27 naman
sa doubles sa ATP Tour. Hindi naman naging maganda
ang resulta para sa ilang Filipino-Australian
tennis players tulad ni Lizette Cabrera na bigong
makapasok sa ikatlong qualifying round. Si Lizette
ay kilala sa kanyang mabilis na footwork sa court
at may iba't ibang variation sa kanyang laro.
Nagsimula siya sa tennis sa murang edad at mabilis
na nakilala sa national at international
tournaments, kabilang ang Australian Open at iba
pa ang Grand Slam events. Bukod sa kanyang galing
sa tennis ipinagmamalaki niya ang kanyang dugong
Filipino at nagpapasalamat siya sa suporta kahit
siya'y natalo kay Linda Klimovicova ng Poland sa
score na 6-4, 7-5. Hindi rin pinalad si James
McCabe na makapasok sa susunod na qualifying round
matapos matalo kay Norwegian player Nikolaj
Budkovcir sa score na 6-4, 3-6, 7-6. Buong
pagmamalaki namang sinabi ni James na masaya siya
sa supporta ng mga Pilipino lalo't sa Pilipina
siya ipinanganak. Si James nga ay ipinanganak sa
Iba Zambales at lumaki naman sa Sydney, Australia.
nakamit niya ang kanyang career high singles
ranking noong 2025. Sa Australian Open 2025,
nakapagtala siya ng kanyang unang panalo sa Grand
Slam main draw, isang malaking milestone sa
kanyang karera. Magpapatuloy ang laban ni Jason
para makuha ang main draw entry ngayong Webis kung
saan makakaharap niya ang Belgian player na si
Alexander Blox. Manatiling nakatutok sa SBS
Filipino para sa iba pang update tungkol sa
Australian Open 2026. Martin Tuaño, SBS, Filipino.
END OF TRANSCRIPT