spk_0
Kayo'y nakikinig sa SBS Filipino. Pakinggan ang ibang kuwento sa SBS.com.au/filipino.
spk_1
Mas madali nga ba ang PTE kumpara sa iba pang English language proficiency tests? Isa yan sa karaniwang tanong ng ilan nating kababayan na kailangang humarap sa pagsusulit bilang bahagi ng Australian visa requirement mula student visa hanggang skilled independent at regional visas.
spk_1
kaya naman, sa episode na ito ng Trabaho Visa at iba pa, kung mausap tayo ng eksperto sa larangang ito, isang gurong may malalim na karanasan sa paggabay sa mga Pinoy na makakamit ang kanilang Australian Dream, nakapanayam natin si May Red Zafra, isang English teacher mula sa AMES, upang himayin ang katotohanan sa likod ng popularidad ng PTE at kung paano ito nagiging susi para sa iba't ibang migration pathways sa Australia.
spk_2
Trabaho Visa at iba pa
spk_2
Trabaho Visa at iba pa
spk_1
at kasama natin ngayon si Miss May Red Zafra, isang English teacher na nakabase sa Melbourne at bahagi rin ng AMES Australia. Magandang araw sa'yo, Miss May Red Zafra, at welcome back.
spk_3
Yes, magandang araw sa TJ and thank you for having me at siyempre magandang araw sa lahat ng ating mga tagapakinig.
spk_1
oo may kaya ka namin hinila dahil marami pa rin tayong kababayan ng may mga hamon pagdating sa English.
spk_1
requirements sa kanilang mga visa at alam natin na madami yan may P T E may IET at meron pang iba-iba no ng mga E L at iba pa pero ngayong araw na ito ay mag fofocus muna tayo sa isang bagay unahin nong P T E na isa sa mga pangunahing nagiging English requirements di ah test dito sa Australia bago natin puntahan yung mga challenges dito pwede ko bang tanungin sayo ay paliwanag mo muna sa mga kababay na hindi naman alam.
spk_1
ang PTE kung ano ba ito?
spk_3
So PTE is ang ibig sabihin niya is Pearson Test of English, no. Isa ito sa mga English test na tinatanggap ng ating pamahalaan ng Australia, para sa maraming mga bagay, pwede kang kailangan mo siya para mag-aral sa iyong skills assessment, o kaya naman is pag-a-apply mo ng mga permanent resident visa or even working visa, no?
spk_3
So ang PTE kasi is purely computer-based test, ano? So ataka itong PTE nagiging kapansin-pansin na maraming mga Pilipino ang interesado dito. dahil sa mga issue ng convenience, pag sinabing convenience kasi mabilis silang magalabas ng result, okay? So convenient siya para sa mga marami nating kababayan. Speed also, hindi lang dun sa result.
spk_3
yung speed kundi dahil mas yung test mas mabilis, no? Nasa dalawang oras lang kasi itong test, as compared sa mga ibang test na mas matagal. And siyempre yun nga computer-based format, especially sa mga kabataan natin, na na you know mas gusto nila yung technology, o kaya naman comfortable sila na gumamit ng computer. So, basically, ito yung pinaka-short na, you know, description ng
spk_1
hmm so nabanggit mo na iba bang mga factors dun kung ba't napipili din sa karamihan ano at ito yung isa sa mga na-recognize sa Australia kaya malaking bagay na pwede mong gawin ano ba yung nabanggit mo na na ito number one computer based ano so sa halimbawa iku ikukumpara ako sa iba pang mga karaniwang English test like yung IELT, ano ba yung difference like halimbawa yung IELTS ba yung computer based din at yung sa speed na binabang pwede bang bigay ka ng mga pangunahing pagkakaiba?
spk_3
Okay. So basically, yung IELTS kasi, since ah mas matagal na ito kaysa sa PTE, no? IELTS kasi 30 years na 'yan, you know, more than 30 years na itong itong ah PTE medyo mas mga 10 years pa lang siya.
spk_3
So, pag sa IELTS kasi meron kang option na paper-based test, pero meron na rin silang computer-based test, pero kahit yung IELTS sa may computer-based test, ang nagiging speaking test mo pa rin is interview with a person.
spk_3
okay, pero pagdating sa PTE, purely computer-based test siya at kahit yung pag-che-check or pagma-mark ng iyong sagot, eh computer na din ang gumagamit noon, gumagawa nun hindi na tao, no? So, kaya ang nangyayari mas mabilis silang makapag-release ng kanilang result. Actually, p
spk_3
Pearson website nakalagay doon within 2 business days, pero meron kang makakausap ng mga Filipino or kahit ibang ang mga nationalities na nag-test na parang 12 hours lang may result na. Okay? So talagang appealing yun lalo na kung nagmamadali ka at kailangan mo lang is-submit yung mga visa requirements mo. pero 'pag sa IELTS, pag paper base, umaabot siya ng 3 to 5.
spk_3
days, yun ang naka-publish sa kanilang website at kapag naman paperb mas matagal ito, umaabot ito ng 2 weeks, so talagang mahirap yun para sa mga tao na may hinahabol silang timeline.
spk_1
Hmm hmm na na mag maganda yung na isa isa mo yung mga pagkakaiba or pagkakapareho din ano ng ng IETS at ng PTE at kung bakit parang na mas naglilinya bagaman wala tayong espesipiko.
spk_1
kung pag-aaral na ang mas maraming kumukuha ng P T E pero may ilan tayong mga kababayan na sinasabing ito nga ang pinipili nila dahil sa nabanggit mong mga dahilan eto ba pwede mo ba talagang sabihin kasi isa sa mga ah kumbaga perception sa P T E ay sinasabi ng ilang kababayan natin na ay P T E kasi mas madali yun ba ay totoo pwede mo bang bigyan kami ng paliwanag diyan?
spk_3
okay so ito yung pinaka common na misconception ano pero gusto kong linawin na hindi tamang sabihin na mas madali ang I think ang dapat nating sabihin is mas bagay ba ito sa pangangailangan ng tao.
spk_3
na kumukuha ng test, okay, so pag-usapan natin yan kasi halimbawa, mabilis ka bang magtype kailangan yan sa test diba? komportable ka ba sa computer o ikaw ba yung bigla ka natatakot pag nag-iba yung screen? okay, baka hindi ito para sayo kung ganon.
spk_3
sanay ka bang magsalita sa microphone, you know? so ito yung mga ito yung mga context or mga ah mga kaalaman na kailangan mong malaman. pero doon sa format ng test kasi ang nagiging perception ng mga tao is mas madali siya in a way, kasi madami siyang question types, okay? Tapos yung pag ma- mark din nung PTE meron siya kasing mga combination.
spk_3
hindi katulad ng ibang exam, kung reading lang siya, reading lang siya, pero meron kasing mga question types sa PTE na pwedeng related siya sa listening, pero related din siya sa writing. So, yung marking non pwedeng paral. So, parang feeling mo ay madali ko makukuha yung result na gusto ko, pero hindi ibig sabihin noon na mas madali yung test, okay, iba kasi 'yon.
spk_3
yan sa gusto ko lang linawin.
spk_1
yun maganda nabanggit mo yung mga yun na depende yun sa sayo ano at sa kung saan yung strength at weaknesses mo ano na pa sa pagpili ng English test, ilan isa sa nabanggit mo din kanina na ang IET ay may speaking at ah makumpara.
spk_1
sa P T na wala ilan sa mga Pinoy ay kinakabahan na makipag usap di ba isa yan sa nagiging ah balakid o nagkakaroon ng language barrier kaya parang naku ayokong makipag usap baka bumagsak ako palagi mo ba may iyan ba ay isa sa mga nagiging dahilan na ay kaya P T ang kukunin ko?
spk_3
hmm So linawin natin yun. So pareho silang may speaking. Pero sa IELTS ang speaking mo one-on-one interview, okay? So minsan kasi diba, parang pag pagka, alam mo yun? yung pag ini-interview ka kahit nga sa job interview, kabadong-kabado ka na eh 'di ba? kasi parang feeling mo baka i-judge ka ng person, baka pag mali, you know, mawalan ka na ng idea, mawalan ka na ng salita na sasabihin to answer the question, okay parang tinitingnan ka lang nung exact
spk_3
aminor mo ako 'di ba nakakakabayo, nakakatakot, pero siyempre kung ikaw naman eh medyo kabado nga sa person tapos sa computer ka lang okay lang kasi hindi naman tao yan di parang ay hindi mo naman ako kilala eh okay na yun 'di ba mas maganda na yung makipag-usap sa so merong mga ganon, so kung talagang kabadong-kado sila parang minsan din sige mag PTE na lang ako para hindi ko wala akong tao na nakikita 'di ba so il 'yon sa
spk_3
mga iniisip ng mga kababayan natin kaya pinipili nila yung
spk_1
PTE. oo lalo na pag sinasabi yung ah joke satin na laging na nose bleed ako pag nakipag usap diba isa sa mga katuwaan natin yan sa mga sa Pinoy sa komunidad ng mga Pinoy ano ah matanong ko na rin may kasi ang ITS ay kundi tayo nagkakamali ko linawin mo kung nagkakamali ako dito ay British ito no kundi tayo sa UK tapos ang P T I sa Australia tama ba?
spk_3
Well, definite well ang ang gumagawa linawin natin yan ano kasi ang may-ari ng IELTS is both British Council and IDP Australia at alam natin ng IDPs pag-aari ng,
spk_3
Isang kumpanya ng Australia. pero ang gumagawa ng test ng ng IELTS is British ang gumagawa, Cambridge ang gumagawa ng test, ano? Pero in recent years, dahil na rin sa pag-aaral ng mga, you know, tinatawag nating global Englishes, ano, ang konsepto ng paggawa ng test ay hindi na
spk_3
focus lamang sa tinatawag nating British English or American English, kundi ito ay nakafocus na sa global Englishes. Ano, yung tinatawag nating maraming different kinds of Englishes. ano? Pagdating naman doon sa PTE, hindi ako sigurado kung Australian ang gumagawa ng test niya. But I'm pretty sure what I know is global Englishes.
spk_3
din yung bases nung paggawa nila ng test
spk_1
hmm hmm kaya ko natanong yan may kasi may mga kababayan tayo na naku ayoko makipag usap kasi British or British yung naririnig sa listening may mga ganong ilang concern ano kaya kaya natin natatanong yan pero mabuting nalinaw mo nga na global English na ang gamit lalo na't maraming bansa at kabilang ang Pilipinas na gagamit ng English may sarili pa nga tayong mga mga terms na.
spk_1
pero English word pero iba yung context diba so malaking bagay na nalinaw mo din yan sa part nito no isa sa mga ginagamit ng P T E sa mga visas diba na kung halimbawa para sa iba't iba ano yung papel ng P T E lalo na dito sa Australia em sa palagay mo nakita mo na gilagong ginagamit ng mga kababayan din sa mga iba't ibang klase ng visa pwede mo kaming bigyan ng konting impormasyon tungkol diyan.
spk_3
Okay, so pag binisita natin ang Department of Home Affairs, ang PTE ay isa lamang sa mga tinatanggap ng ating pamahalaan na klase ng test. I think ang nagiging aspeto ng pagpili ng mga,
spk_3
mga tao sa PTE is dahil mas marami siyang test center, ano? or mas accessible siya sa mga test takers, ano? Pero meron pa rin tayong mga ibang English language exam na tinatanggap ng ating pamahalaan.
spk_3
kung titingnan natin yung mga requirements for English proficiency, nagbabase ito sa isa sa sinasabi nating trabaho o kaya naman ay industry kung saan ka naroroon, ano? Or kung ano ang pangangailangan ng iyong visa o ano pangangailangan na 'yong studies. So, basically ang score na kailangan natin sa PTE is
spk_3
magde-depende doon sa iyo; hindi lamang naman ito sa visa application, kundi puwede rin for your skills assessment, at nagbabago ’yon, depende kung ano ang iyong requirements. Kaya nga minsan pag may nagtatanong sain, Miss May kailangan ko ng mag-sit for PTE test, ang sunod kong tanong is anong target score mo, kasi iba-iba hindi ko pwedeng sabihin na
spk_3
konsepto kasi ng mga tao, yung pongping score. Ang passing score kasi hindi katulad nung halimbawa sa Filipino context na o 75 ang passing para para, you know, makapunta ka sa grade 3 or grade 4, pero hindi natin pwedeng sabihing passing score. kasi yung kung ano yung requirement ng in-apply-an mo doon dapat nakabase yung makuha mo na English score ganon yun.
spk_1
at yan ang unang bahagi ng ating panayam sa susunod na episode aalamin naman natin ng scoring system at paano nga bang nakakatulongang AI para makapasa sa PTE pero tandaan ha ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang para sa payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon kumonsulta sa isang abogado, registered migration agent o kinauukulang ahensya. Ako si TJ Correa para sa SBS, Filipino.
spk_2
trabaho visa at iba pa
spk_2
trabaho visa at iba pa
spk_0
Nais mo bang makinig ng iba pang kwento na tulad ito? makinig sa Apple Podcast, Google Podcast, Spotify o sa iba pang podcast app.
END OF TRANSCRIPT