RELATED CONTENT

Alam mo ba?

Similarities and Differences between Op Shops in Australia and Ukay-ukay in the Philippines Credit: Canva

Alam mo ba?
Dagdag ka alaman na mabilis tandaan. Pakinggan sa
Alam Mo Ba. Ukay-ukay sa Pilipinas, off-shop naman
sa Australia. Ano nga bang pagkakapareho at
pagkakaiba? Narito ang detalye sa Alam Mo Ba.
Parehong tindahan ng second-hand items tulad ng
damit, bags, books at gamit sa bahay. Pero may
ilang mahalagang pagkakaiba sa ukay-ukay at
op-shop. Sa Pilipinas, ang ukay-ukay ay kadalasang
galing sa imported surplus, mura, presyuhan ng
tawaran at minsan diretso sa banketa o maliit na
pwesto. Pang-budget. panghanap ng branded o
vintage finds at sobrang patok launa sa mga
bargain hunters. Sa Australia naman, ang tawag ay
op shop na pinaikling opportunity shop. Hindi lang
basta ito thrift store. Kadalasan, pinapatakbo ito
ng charities tulad ng Salvation Army o Vinnies.
Ibig sabihin, ang kita ay napupunta sa mga
community services gaya ng suporta sa migrante,
aged care, homelessness, mental health programs at
iba pa. Isa pang kaibahan sa op-shop, may sistema
ang donasyon. Kailangang malinis at maayos ang
gamit bago i-donate. Kaya mas organised ang
tindahan, may price tags at may proper shelving.