1. Yoghurt Berry Beetroot Smoothie
Sa isang blender o food processor ihalo ang 1 cup ng natural na yoghurt, 1 1/2 cups ng sariwa at malamig na magkaibang berries, 1 maliit na nabalatang beetroot, 1-2 teaspoons ng tuyo o nababad na chia seeds, 1 1/4 cups na gatas ng niyog o nasalang tubig, 2 dahon ng mint (opsyonal). Ihalo at inumin kaagad.

2. Antioxidant Smoothie
Ihalo ang 4 cups ng dahon ng spinach, 1 cup ng malamig na blueberries, 3 pitted dates, 1 cup ng strawberries at kalahating avocado sa isang blender o food processor at iprocess hanggang maging katas. Ihalo ang 1 cup ng malamig na pomegranate juice, 1 teaspoon ng nababad na mga flax seed o 2 teaspoons ng tuyo o nababad na chia seeds at ihalo upang maging makapal at creamy smoothie at lagyan ng natural na youghurt. Maaari din wisikan ng cinnamon kung nais.

3. Carrot, Beetroot and Cucumber Juice
Hugasan at patuyo-in ang 5 malaking organik carrots, 1 maliit na nabalatang beetroot, 1 nabalatang organik cucumber. Ilagay sa juicer kasabay ng dalawang hiwa ng sariwang luya at 1/2 cup ng nasalang tubig, batihin sa isang teaspoon ng flax seed oil at 1 teaspoon ng powdered leaf greens o 1/2 teaspoon ng spirulina supplement. Inumin agad.

4. Papaya Smoothie
Balatan at hiwain ang isang malaking papaya at ihalo sa 1/2 cup ng natural na yoghurt, 3/4 cup malamig na gatas ng almond o oat at 1 teaspoon ng papaya seeds hanggang maging makapal at creamy.

5. Pomme-Pom Juice
I-juice ang 2-3 apples at ihalo sa 1 cup na de-botelyang juice ng pomegranate. Patamisin gamit ang agave syrup at haluan ng nasalang tubig. Inumin kaagad.
Image
Masustansiya, sariwa at malamig! Ganito dapat ang simula ng ating Tagsibol.
BASAHIN DIN:
SUNDAN ANG SBS FILIPINO SA FACEBOOK.
