Ang Acknowledgement of Country ay karaniwang sinabi bilang pagbati o pambungad sa mga pampubliko o pribadong pagtitipon.
Isa itong paraan ng pagkilala sa mga katutubong mamayan ng bansa at bilang Tradisyunal na May-ari ng lupain kung saan nagaganap ang pagtitipon.
Ang mga SBS Audio programs ay nagsisimula sa Acknowledgement of Country na isinalin sa wika ng bawat programa.
Ginagawa ito para kilalanin ang koneksyon ng ng mga Aboriginal and Torres Strait Islander people sa lupain o Country, at bilang pagbibigay galang sa mga nagdaan at kasalukuyang Indigenous Elders o matatandang miyembro ng komunidad.
Isa rin itong paraan para ipa-alam na hindi nawawala ang soberanya sa Australia.
Walang eksaktong wording o mga salita na ginagamit para sa Acknowledgement of Country at kahit sino ay maaring sabihin ito.
Samantala, ang Welcome to Country ay isinasagawa at sinasambit naman ng mga Traditional Owners, o Aboriginal and Torres Strait Islander people na pinayagan ng mga Traditional Owners para sa pagtanggap ng mga bisita sa kanilang lugar o Country.
Narito ang halimbawa ng Acknowledgement of Country;
Nais naming kilalanin ang mga Tradisyunal na May-ari ng lupain, himpapawid at katubigan, at nagbibigay galang kami sa mga nakalipas at kasalukuyang Elder o nakakatandang myembro ng komunidad.
Kami ay nagpupugay sa nagpapatuloy na pinakamatandang kultura sa mundo.
Maaring malaman ang pangalan ng Traditional Owners ng inyong lugar sa pamamagitan ng inyong local council, state o territory websites, o sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na Aboriginal at Indigenous organisations.