Nangako ng tulong ang Australaya sa Pilipinas pagkatapos nito masalanta ng bagyo

Sa isang media release na may petsang Setyembre 16, 2018, nangako ang Minister of Foreign Affairs ng Australya na si Marise Payne ng suporta sa Pilipinas pagkatapos ito masalanta ng Bagyong Mangkhut.

Minister of Foreign Affairs Marise Payne

Minister of Foreign Affairs Marise Payne pledges support for typhoon-stricken Philippines. Source: AAP

Ayon sa pahayag ni Ms Payne, nangangako ang Australya na magbibigay ito ng humanitarian aid an nangangahalagang $800,000 sa Pilipinas. Kasama sa mga ibibigay ay ang mga shelter kits, hygiene products, kumot at sleeping mats. Ang aid na ito ay ibibigay sa 25,000 na katao.

Ang Philippine Red Cross ang naukulang magpamigay ng mga gamit na ito.

Maliban sa tulong, nagpadala din ang Australya ng humanitarian experts sa Pilipinas, at nakikipagugnayan ang embassies ng dalawang bansa upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyo.


Nangako ang Australya na magbibigay ito ng karagdagang tulong kung hingin ito ng pamahalaan sa Pilipinas.

Basahin ang kabuuan ng media release sa website ng Minister for Foreign Affairs.

BASAHIN DIN


 


Share

Published

Presented by Nikki Alfonso-Gregorio

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand