Typhoon Mangkhut update: 64 kumpirmadong patay, 40 ang nawawala sa Pilipinas

64 katao na ang namamatay dahil sa Bagyong Mangkhut o Ompong.

Baggao, Cagayan province, Philippines

Typhoon Mangkhut has torn through the northern tip of the Philippines, packing powerful winds. (AAP) Source: AAP

Pinaniniwalaang 40 o higit pa ang nabaon sa ilalim ng putik at bato dahil sa nangyaring landslide sa Ucab, isang gold-mining na barangay sa Itogon, Benguet.

Sa isang panayam sa Associate Press, inilahad ng alkalde ng Itogon na si Victorio Palangdan ang kanyang kalungkutan. Sinabi niya na mahihirap ang mga residente ng Ucab at marami sa kanila ang walang ibang opsyon kundi manirahan sa lugar na iyon. May ginto sa Ucab, at dahil dito, maraming malalaking korporasyon ang nagmimina dito. Buhat ng pagmimina, nakokontamina ang lupain at naagnas ang lupa; dahil dito, malaki ang posibilidad ng landslide.
Ayon kay Police Superintendent Pelita Tacio, 34 na ang kumpirmadong patay sa Itogon. Bago umalis si Ms Tacio sa lugar noong Linggo, may isang bikitma na natanggal sa ilalim ng putik at bato. 

“I could hear villagers wailing in their homes near the site of the accident,” saad niya sa Associated Press.

Gaya ng Benguet, nakaranas din ng paghihirap ang Baguio. Lumubog at binaha ang Loakan Airport, mga tirahan, at mga kilalang tourist spots gaya ng La Trinidad’s strawberry fields at Burnham Park.
Ang kombinasyon ng malakas na hangin at tuloy-tuloy na ulan ang nagresulta sa pagbagsak ng mga puno at poste ng kuryente, at mga landslide.

Noong Sabado, napabalitang apat na katao ang namatay sa landslide na naganap sa Bakekang Sur, Bakekang Central at Camp 7. Pinasara rin ang isang bahagi ng Marcos Highway sa Tuba, Benguet at ang Kennon Road noong Sabado dahil sa landslide.
Ang bagyo, na mayroong hangin na tumatakbo ng 205 kph at gusts na 255 kph, ay bumagsak sa Luzon noong Sabado. Ang pinaka-hilagang bahagi ng bansa ang pinaka-apektado.

Umalis na ang bagyo sa Pilipinas at ngayo'y nasa Tsina na.

BASAHIN DIN

Share

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand