Isa sa mga ministro ng pamahalaang Turnbull ang naghudyat ng mas malawakang paghihigpit sa pagkakaloob ng permanent residency visa sa Australya, at sinasabing napakaraming migrante ang napagkalooban ng bisa bago pa man sila makarating sa bansa.
Tumanggap ang Australya ng halos 162,000 na permanenteng migrante noong nakaraang taon - di hamak na mas mababa sa annual cap na 190,000 na pwesto at sinasabing pinakamababa sa loob ng sampung taon.
Sinabi ng pamahalaang Turnbull na ang pagbaba ng bilang ay dahilan sa mahigpit na pamamaraan na ipinapatupad ng Department of Home Affairs, bagamat itinatanggi ng isang dating opisyal ng Immigration ang nasabing paliwanag.
Sinabi ni citizenship minister Alan Tudge na halos kalahati ng stream ay napagkalooban ng bisa pagkatapos ng ilang taong pamamalagi sa pansamantalang bisa, ngunit ang natitirang kalahati ay "napagkalooban ng permanent residency bago pa makarating ng Australya."
“This is less ideal, and something that requires further consideration,” sabi ni Mr Tudge sa kanyang talumpati sa London.
Ang permanent migration stream ay two-thirds skilled visas at one-third family visas para sa mga anak, magulang at asawa. Sinabi ni Tudge na ang mga offshore applicants ay malaking "hamon" dahil "ang impormasyon tungkol sa mga indibidwal ay mahirap makuha mula sa ibang bansa."

Source: AAP
‘Kahinanaan’ sa pag-check ng Australian values
Ang mga migrante ay kinakailangang pumirma ng values statement kapag naging mga mamamayang Australyano na sila, ngunit ang pamahalaang Turnbull ay matagal nang nagtataguyod ng mas mahigpit na pamamaraan.
Ang kontrobersyal na reporma sa citizenship, na hinarang noong nakaraang taon sa Senado, ay makapagpapakilala ng bagong test sa Australian values pati na rin ang mas mahigpit na English exam.
Ngunit patuloy na ipinangako ng senior na ministro ng Coalition ang isa pang pagtatangka sa reporma noong 2018.
Kamakailan, iminungkahi ni Mr Tudge ang isang bagong spoken English test para sa mga migrante na gustong mapagkalooban ng permanent residency, marahil kabilang ang mga refugees, sa halip na mga mamamayan lamang.
“We place an emphasis on Australian values as the glue that holds the nation together,” sabi ni Mr Tudge noong Huwebes.
“We do this through requiring people to sign a values statement before coming into Australia, satisfy a citizenship test and pledge allegiance before becoming a citizen.
“The weakness of this, however, is that we presently have few mechanisms to assess people against their signed statement.”
Hindi nagbigay ng komento si Mr Tudge ukol sa kung anong mekanismo ang maaaring ituring.
“We need muscular ongoing promotion of our values: of freedom of speech and worship, equality between sexes, democracy and the rule of law, a fair go for all, the taking of individual responsibility,” sabi niya.
Ang unang pagtatangka ng gubyerno sa mga reporma sa citizenship ay hinarangan ng Labor, Greens at key crossbenchers sa pinalitan na ngayon na Nick Xenophon Team.
Kasalukayang background checks
Sinabi ni John Coyne, dating Australian Federal Police intelligence professional na ngayon ay nasa Australian Strategic Policy Institute, na inaasahan ng publiko ang mas "mahigpit" na check sa lahat ng mga mag-aapply ng bisa.
Sinabi niya na mas mahigpit na values test ay maaaring isang "epektibong pamamaraan" kung ang mga values ay batay sa "empirical" evidence kaysa political messaging.
Ngunit idiniin niya na ang mga checks para sa serious flags, katulad ng pagkakabilanggo, ay "ginagawa na" sa pamamagitan ng vetting process.
“If there's some evidence out there, sitting in an Interpol database somewhere in regards to a criminal offence or sitting in some form of other database, then of course,” sinabi ni Mr Coyne sa SBS News.
Inihayag din niya na ang Australya ay exporter ng mga "unsavoury characters", gamit ang halimbawa ng mas mahigpit na anti-consorting laws dahilan upang lumipat ang mga motorcycle gangs sa mga lungsod sa Timog Silangang Asya.
Ang Labor frontbencher na si Anthony Albanese ay binatikos si Mr Tudge sa pagpunta sa ibang bansa at "siraan ang ating bansa," na tumutukoy sa komento ng ministro sa kung paano hindi nakikihalubilo ang mga migrante sa malawak na lipunan na dati na nilang ginagawa.
“The fact is we have an incredibly successful multicultural nation,” sabi niya.
ALSO READ