Mga migrante maaaring humarap sa ‘conversational English test’ sa ilalim ng mga bagong plano

Inaasahan ni Federal minister Alan Tudge na ibunyag ang pagsasaalang-alang ng gobyerno na magkaroon ng ‘conversational English test’ para sa mga bagong mamamayanang Australyano.

IELTS

International student group petitions extension of IELTS, PTE result validity and seeks other reforms. Source: IELTS

Ang pamahalaang Turnbull ay isinasaalang-alang ang basic conversational English test bilang isa sa mga kakailanganin ng mga migrante upang maging mamamayang Australyano.

Inaasahang ipahayag ni Citizenship  Minister Alan Tudge ang mga plano, pagkatapos ang kanyang pagkonsulta sa mga grupo ng mga migrante at negosyante , sa isang pahayag sa Sydney Institute noong Huwebes.

"This would become a stronger incentive to learn the language as permanent residency is the most important objective for many," inaasahang sasabihin niya.

Ang converasational English test ang papalit sa International English Language Testing System na ginagamit upang masuri ang mga skilled migrants, ayon sa ulat ng The Australian.

Sa ngayon, mayroong halos isang milyong Australyano na hindi nagsasalita ng Ingles  at paniwala ni Mr Tudge, ang pagtaas ng bilang nito ay nakakabahala.  

"This is particularly so, given the concentration of non-English speakers in particular pockets, largely in Melbourne and Sydney," inaasahang sasabihin niya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na si Mr Tudge ay nagbigay pahayag ukol sa kahalagahan ng Ingles para sa mga migrante.

Noong Marso, iminungkahi niya na ang mga migrante ay dapat magpakita na nagsisikap silang makisama bago magiging mamamayan, kabilang na rito ang pagsali sa Rotary Club o isang koponan ng soccer.

Ang gobyerno ay nakipag-usap sa mga MPs ng crossbench upang makuha ang suporta para sa mga pagbabago sa mga batas ng pagkamamamayan na naudlot sa Senado noong nakaraang taon.

ALSO READ:

Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand