COVID-19 update: Lockdown sa South-East Queensland, tinapos na, habang Cairns sasailalim sa lockdown

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 8 2021

Kiongozi wa Queensland Annastacia Palaszczuk, azungumza na waandishi wa habari

Kiongozi wa Queensland Annastacia Palaszczuk, atoa taarifa mpya kuhusu COVID-19 mjini Brisbane, Jumapili, 8 Augosti, 2021. Source: AAP/Danny Casey

  • Queensland nakapagtala ng 9 na bagong lokal na kaso ng COVID-19
  • 3-araw na lockdown sa Cairns at Yarrabah,  sisimulan mamayang alas-4 ng hapon  
  • 262 na bagong locally acquired COVID-19 cases sa NSW at isang pagkamatay, naitala
  • Victoria, ini-ulat ang 11 bagong locally acquired COVID-19 cases

Queensland

Iniulat ng Queensland ang 9 na bagong locally acquired cases. Pito ay naka-ugnay sa Indooroopilly cluster, isa sa Gold Coast at isang bagong kaso sa Cairns.

Magtatapos na ang lockdown sa South-East Queensland ngayong alas-4 ng hapon, tulad ng plano, pero mananatili ang ilang restriksyon para sa susunod na dalawang linggo, kasama na ang sapilitan na pagsusuot ng facemasks.

Sinabi ni Queensland Premier Annastacia Palaszczuk na ang 1 kaso sa Cairns ay labis na nakakabahala dahil ang taong ito ay nagtatrabaho bilang isang taxi driver at ito'y nakakahawa habang nakahalubiho sa komunidad sa loob ng 10 araw.

Bilang resulta, sisimulan ngayong alas-4 ng hapon ang 3-araw na lockdown sa Cairns Regional Council at Yarrabah Aboriginal Shire Council. 

New South Wales

NSW nakapagtala ng 262 na bagong locally acquired coronavirus cases at isang babae na nasa edad 80s ay namatay.

Hindi bababa sa 72 sa mga bagong kaso ay nakahalubilo sa komunidad habang nakakahawa.

Ani Premier Gladys Berejiklian na 12 mga suburb sa City of Penrith LGA ay isasama sa litahan ng mga areas of concern at magkakaroon ng karagdagang mga paghihigpit mula 5:00 ng hapon nitong Linggo.

Narito ang listahan ng mga vaccination clinics.

Victoria

Victoria nakapagtala ng 11 bagong locally acquired COVID-19 cases, ang lahat ay naka-ugnay sa kasalukuyang outbreak. Wala sa mga ito ang naka-quarantine sa panahon na sila'y nakakahawa.

Ang mga Victorians na edad 18 - 39 ay maaari nang bigyan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa ilang mass vaccination centres mula Lunes.

Ang unang drive-through vaccination hub ng Australia ay bubuksan sa Victoria sa isang dating Bunnings Warehouse sa Melton mula Lunes.

Narito ang listahan ng mga vaccination centres.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing::

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, i-click ang link na ito. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa Smart Traveller website.



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

 

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
ACT 

Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Presented by Annalyn Violata
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand