Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Dagdag sahod para sa mga minimum wage earners sa Australia, inaprubahan na

Mimimum wage sa Australia itataas sa $21.38 kada oras dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate.

minimum wage

The Fair Work Commission has handed down it's annual decision on the minimum wage Source: AAP

Inaasahang tataas ng $40 kada linggo o 5.2% ang mimimum wage sa Australia matapos ianunsyo ng Fair Work Commission ang taunang desisyon nito kaugnay sa pasahod sa mga minimum wage earners. 

Hindi sang-ayon ang unyon sa ibinabang desisyon. Anila, dapat ay magkaroon ng 5.5% na pagtaas para malampasan ang kasalukuyang inflation rate na 5.1 per cent. 

Ayon naman sa Australian Industry Group, dapat limitahan lamang sa 2.5 porsyento ang umento sa sahod. Noong nakaraang taon, umabot sa $772.60 kada linggo o $20.33 kada oras ang itinaas ng minimum wage sa bansa, na tinatayang nasa 2.5 porsyentong pagtaas. 

Babala ni Reserve Bank Governor Philip Lowe, na maaari pang umakyat sa pitong porsyento ang inflation rate sa pagtatapos ng taon. 

Dagdag pa nito, inaasahang aabot sa dalawa't kalahating porsyento ang interest rates na makakaapekto sa pagtaas pa ng cost of living sa bansa. 

Nagpahayag ng suporta ang pamahalaang Albanese sa pagtaas ng minimum wage sa bansa. 

Nakasaad sa isinumite ni Punong Ministro Albanese ang posisyon ng kanyang gobyerno kaugnay sa pagtaas ng sahod. Aniya, "nararapat lamang itaas ang minimum at award wages para sa mga maliliit ang sasahod sa Australia, para matapatan ang patuloy na pagtaas ng cost of living sa bansa."

Sinabi ni Employment Minister Tony Burke na handa ang gobyerno na ipaglaban ang makatarungang sahod para sa mga manggagawa.


2 min read

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Source: AAP, SBS


Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now