Maaaring makamit ang malinis at preskong mukha ng ligtas at natural. Ang paggamit ng mga sangkap na makikita sa pinakamalapit na tindahan o mula sa istante ng iyong kusina ay maaaring makaligtas ng iyong buhay. Narito ang ang ilan sa mga produkto para sa balat na epektibo at mas mahusay kaysa sa mga pangkomersyal na tatak.
Mga facial cleanser
Rekomenda ng mga eksperto ang isang karaniwang gawain upang makamit ang malinaw, malinis at kumikinang na balat. Nagsisimula ito sa paglinis, kadalasan sa umaga at gabi. Ang paglinis ng mukha ay tumatanggal ng dumi, mga patay na cells ng balat, mala-mantikang pamumuo at tumutunaw sa mga dumi na maaaring humarang sa mga maliit na butas ng mukha. Nagpapabuti din ito sa sirkulasyon, pumuprotekta laban sa tigyawat at nagpapasigla ng panibagong cell sa balat.
Olive oil- Isa sa pinakaluma at simpleng paraan ng paglinis ng mukha ay ang paggamit ng purong olive oil. Maglagay ng konting extra-virgin olive oil sa balat at masahiin ng dahan-dahan sa mukha. Siguraduhing iwasan ang mata kapag naglalagay. Pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig. Ang olive oil o ang kahit anong natural na halamang langis ay umaakto bilang pantunaw ng dumi sa mukha.
Gatas o yogurt- Isang sinaunang paraan din ay ang paghugas ng mukha sa gatas. Gamitin ang mga daliri sa paglagay nito sa mukha sa isang banayad na galaw pabilog at banlawan. Samantala, ang yogurt na naglalaman ng lactic acid ay nag-eeksfoliate ng mga patay na cells ng balat. Ito rin ay isang epektibong cleanser sa mukha.

Source: Pixabay/margenauer and Daria- Yakovleva CC0
Natural na mga eksfoliyator
Ang pag-eksfoliate ng malinis na balat ay isang banayad ngunit masusing paraan ng pagtanggal ng mga patay na cells na patuloy na namumuo sa taas ng balat, ito ay isang proseso na nag-iiwan sa balat na maging malambot, makinis at buhay na buhay. Ang pag-eksfoliate ay maaari din makatulong sa paglaban ng ilang mga nakikitang palatandaan ng pagtanda.
Almond meal- Igiling ang sandakot na almonds ng pino. Basain ng konti ang isang kutsarita ng almond meal ng tubig o langis ng halaman ( subukan ang langis ng avocado kung tuyo ang balat at langis ng grapeseed kung may mala mantikang balat) upang makagawa ng manipis na masa. Ilagay sa balat sa pamamagitan ng pabilog na galaw. Banlawan ng maayos.
Papaya at pinya- Ang pinya at papaya ay parehong naglalaman ng enzymes na epektibong nag-eeksfoliate ng balat. Maghiwa ng alinman sa hinog na pinya o berdeng papaya at ikuskos ang prutas sa buong mukha, iwasan ang mga mata. Pabayaan hanggang matuyo ang katas ng prutas saka banlawan ng puspusan gamit ang maligamgam na tubig.

Source: Pixabay/632240 & 821292 & Security CC0
Mga Toner
Ang paggamit ng toner sa preskong linis at na-eksfoliate na balat ay nakakatulong sa pagsarado ng mga maliliit na butas ng mukha at pagpapabuti ng kulay ng balat. Kadalasan sa mga toner ay nagbabalik ng natural na acidity ng balat. Lahat ng mga sabon kabilang na ang mga pinakabanayad at mga natural ay alkaline. sa ilang antas, ito ay nakakasira sa balanse ng acid ng balat, ang mga toner ay humahadlang sa ganitong epekto.
Sukang apple cider- Isa sa pinakamadaling toner ay maaaring nasa istante ng iyong kusina: ito ay ang sukang apple cider, piliin ang organiko. Sa paglagay nito sa mukha, gumamit ng bulak at pabayaan ng lima hanggang sampung minuto saka banlawan ng malamig na tubig. Isang opsyon din ay ihalo ang magkatumbas na bahagi ng sukang apple cider at malamig na green tea sa parehong paraan.
Pakwan- Kapag nasa panahon ang pakwan, ihalo ang dalawang kutsara ng katas nito sa tubig at isang kutsara ng vodka (piliin ang tatak na gawa sa totoong katas). Ilagay sa mukha gamit ang bulak at pabayaan ng ilang minuto pagkatapos ay banlawan.

Source: getty images