Para mabigyan ng sapat na panahon na makapaghanda ang mga residente, ipapatupad ang bagong paguutos simula ngayong darating na Huwebes, Hukyo 22. Ang sinumang hindi susunod ay pagmumultahin ng $200.
Magsuot ng face mask kung ikaw ay lalabas ng bahay para:
- Mamimili ng mga kakailanaganing serbisyo at suplay ng pagkain
- Pumasok sa trabaho o sa paaralan
- Mag-alaga ng bata o ng may sakit
- Mag-ehersisyo
Narito ang ilang mga exception:
- Kung mahihirapang magsuot ng mask dahil sa medikal na rason
- Mga batang may edad na 12 pababa
- Mahihirapang gamitin ito dahilan sa iyong trabaho
- Kung hindi praktikal gamitin ang mask, tulad halimbawa kapag tumatakbo.Subalit, hinihikayat pa rin ng gobyerno na dapat may palaging baong mask, kung sakaling kailanganin.
- Sa mga eskwelahan, hindi kinakailangang magsuot ng mask ang mga guro kapag nagtuturo ng mga bata na kasalukuyang pumapasok para sa VCE, VCAL o onsite supervision. Samantala, pinapayuhan ang iba pang papasok sa paaralan na mag-suot ng mask.
Kung pupunta sa regional Victoria
Kung kailangang pumunta sa regional Victoria para pumasok sa trabaho o para magbigay kalinga, kinakailangan pa rin magsuot ng mask.
Kung nakatira sa regional Victoria
Inirerekomenda pa rin na magsuot ng face mask, lalo na kung mahihirapang ipatupad ang social distancing.
Para naman sa mga manggagaling ng regional Victoria, kailangan pa din magsuot ng mask kung pupunta sa metropolitan Melbourne o Mitchell Shire.
ALSO READ / LISTEN TO