Ayon sa Mary-Louise Mclaws, tagapayo ng World Health Organisation, hindi kailangan na magsuot ng face mask sa mga open areas, maliban na lamang kung sasakay ng mga pampublikong sasakyan, sa eroplano o sa mga opisina na hindi nagagawa ang social distancing lalo na sa mga hot spot areas na mataas ang bilang ng may COVID-19.
Hindi rin pinapayuhan na magsuot ang mga taong may iniindang sakit lalo na ang mga nasa edad 60 pataas. Isa sa mga dahilan ang mahirap na paghinga dahil sa kanilang edad at karamdaman.
Tamang pagsuot ng face mask
1. Sa paggamit naman ng facemask siguraduhin na malinis ang kamay bago ito hawakan.
2. Ikurba ang matigas na bahagi ng facemask sa balingusan ng ilong at siguraduhin na sakop ng mask ang baba nang sa ganon ay walang makapasok na mikrobyo.
3. Kung napapansing nagmomoist o nagbabasa basa na ang face mask ay agad na itong itapon hindi na umano ito epektibo dahil hindi na nakakasala ng dumi.
4. Hawakan lamang ito sa tali na nakasabit sa iyong tenga. Itapon ang mask pagkatapos gamitin at siguraduhing maghugas ng kamay pagkatapos.
Bukod sa paggamit ng face mask at paghuhugas ng kamay, pinakamainam pa rin ang social distancing para pangalagaan ang sarili gayon na rin ang iyong kapwa.
BASAHIN/PAKINGGAN DIN