Hindi sinisisi ng mga pamilya ng mga biktima ang empleyado ng Dreamworld

Inilahad ng isang abogado ng mga pamilya ng mga biktima ng trahedya sa Dreamworld na hindi nila sinisisi ang operator ng nasirang sakay.

Signage is seen outside the Dreamworld Theme Park on the Gold Coast,

Dreamworld staffer was not trained in first aid or CPR. Source: AAP

Sabi ng abogado ng mga pamilya ng mga biktima na hindi nila sinisisi si Peter Nemeth, ang operator ng sakay.

Si Mr Nemeth ang pangunahing operator ng Thunder River Rapids ng mamatay sina Cindy Low, Kate Goodchild, ang kanyang kapatid na lalaki na si Luke Dorsett at ang kasintahan nitong si Roozi Araghi pagkatapos silang tumalsik mula sa sakay nilang balsa.

Nagbigay ng ebidensya si Mr Nemeth sa isang inquest sa Southport Coroners Court nitong Miyerkoles.

Bago simulan ang pagtatanong kay Mr Nemeth, nagbigay ng maikling pahayag si Barrister Steven Whybrow, tagapagsalita ng mga kamag-anak ni Ms Goodchild at Mr Dorsett. 

"They don't hold you in the least bit responsible for what happened on that day," saad ni Mr Whybrow.

Ayon kay Mr Nemeth, hindi nagsalita ang Dreamworld laban sa kanya dahil sa naging reaksyon niya noong nangyari ang trahedya.

Inilahad din sa inquest and isang insidente na nangyari sa sakay na Log Ride ilang buwan bago ang trahedya.

Sa Abril 2016, may nahulog na isang lalaki mula sa sakay pagkatapos ng "skylarking".

Sinabi sa inquest na hindi narinig ng mga empleyado ng Dreamworld ang ukol sa insidente hanggang dumating ang log sa babaan. Noong nakabalik ang log, may isa na namang log na nahulog sa biktima.

Ayon kay Mr Nemeth, dahil sa insidente, nagkaroon ng mas marami pang CCTV cameras sa log ride upang makita ng mga operators ang mga nakasakay.

Sa pagsusuri, inamin ni Mr Nemeth na hindi siya nakatanggap ng training sa first aid o specialist training para sa malawakang emergency.

Tinanong ni Barrister Michael Hickey, ang abogado ng pamilyang Low, "were you trained in any way in rescuing passengers who might become trapped on the ride?".

"No," sagot ni Mr Nemeth.

Ayon sa inquest, pinakita ng safety record ng tinutukoy na sakay na hindi kumpleto ang first aid nito mula Oktubre 18 hanggang 23 noong 2016.

"Most of the items were there, it was usually the number of band-aids," saad ni Mr Nemeth.

"I'm speculating because that was the usual occurrence."

 

ALSO READ

Share

Published

Presented by Nikki Alfonso-Gregorio
Source: AAP

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Hindi sinisisi ng mga pamilya ng mga biktima ang empleyado ng Dreamworld | SBS Filipino