Sinira ang memorial para kay Eurydice Dixon

Sinira ang isang ginawang memorial para kay Eurydice Dixon, ang dalagang ginahasa at pinatay sa isang park sa loobang-hilaga ng Melbourne. Nangyari ito bago naganap ang plinanong vigil dito.

Firefighters clean graffiti painted at the memorial site of murdered Melbourne comedian Eurydice Dixon at Princess Park in Melbourne

Firefighters clean graffiti painted at the memorial site of murdered Melbourne comedian Eurydice Dixon at Princess Park in Melbourne Source: AAP

Sinira ang isang ginawang memorial para sa pinatay na komedyanteng si Eurydice Dixon bago maganap ang vigil dito.

Ayon sa pulisya, nakita nila ang pintura sa memorial sa Princes Park sa Carlton noong sila'y nag-patrol noong sampung minuto bago mag-alas kwatro ng umaga nitong Lunes.

May mga gamit na kinuha mula sa memorial, at isang dog squad ang pinakawalan dito upang maghanap ng mga ebidensya.

"Police will ensure the markings are removed as soon as possible and the investigation is ongoing," saad ng tagapagsalita ng Victoria Police.

Dumating ang balitang ito ng lumahok ng malawakang vigil ang libo-libong kalalakihan at kababaihan upang bigyang pugay si Ms Dixon. Ang mga vigil ay naganap limang araw pagkatapos mahanap ang katawan ng 22-taong gulang sa isang soccer field sa Princes Park sa Carlton North. Dahil sa krimen, nagkaroon din ng malawakang paglalahad ng lungkot at galit laban sa karahasan laban sa mga kababaihan.

"We all should be able to walk home, whenever we want, wherever we want, and assume we will make it home safe," sulat ng  mga bumuo ng Reclaim Princes Park vigil noong Lunes sa Facebook.

"Our bodies are not there for taking. It is not up to us to keep ourselves safe when we know it's up to men to choose not to inflict violence upon us."



Inaasahang ang mga vigil sa Melbourne, regional Victoria, Sydney, Adelaide, Perth, Hobart at Launceston nitong Lunes.

Ginahasa at pinatay si Ms Dixon noong pauwi na siya mula sa isang comedy show sa Highlanger Bar sa CBD noong Martes ng gabi.

Pinadalhan daw niya ang kanyang kasintahan ng mensahe na nagsasaad ng "I'm almost home safe", ngunit hindi na umabot sa kanyang tahanan ang dalaga.

Sumuko ang 19 na taong gulang na si Jaymes Todd sa pulis, at siya'y nakasuhan ng panggagahasa at pagpatay.

Inaasahang magtitipon-tipon ang Siyudad ng Melbourne, estadong pamahalaan at pulisya nitong Lunes upang pag-usapan ang kaligtasan ng komunidad pagkatapos ng nangyaring insidente.

Ayon kay Premier Daniel Andrews, "This is a tragic reminder, if we needed any reminding, that violence against women is still a feature of contemporary Victorian society. We shouldn't settle for that."

 

BASAHIN DIN

Share

Published

Presented by Nikki Alfonso-Gregorio
Source: AAP

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Sinira ang memorial para kay Eurydice Dixon | SBS Filipino