Terror plot sa Queen Victoria Market sa Melbourne nilantad

Isang pamilya mula UK ang naglantad ng tangka ng isang lalaki na makipag-ugnayan sa kanila upang maglunsad ng terror attack sa Queen Victoria Market sa Melbourne.

A file image of the Queen Victoria Market in Melbourne.

A file image of the Queen Victoria Market in Melbourne. Source: AAP

Isang plano ng terorismo ang napigilan ng isang pamilya mula sa Britanya ng nagkunwari silang nagnanais sumali sa isang terror group.

Ang lalaking kanilang nakausap ay nagpahayag na siya ay bahagi ng isang overseas terrorist network. Sa loob ng limang buwan, nagpadala ang lalaki sa kanila ng encrypted texts at voice files na may direksyon kung paano sila magpapasabog ng bomba sa merkado.

Subalit, ang mga inakala niyang "recruit" ay isang pa lang pamilyang mula sa UK na "amateur jihadi hunters". Binigay ng pamilya ang mga pagsusulatan nila sa Australian Federal Police at Victoria Police. Ito ay ayon sa ulat ng Herald-Sun noong Martes.

Ayon sa tagapagsalita ng Victoria Police, sinuri daw nila ang kaganapan at pinasyahan nila na walang banta.

"Our teams regularly receive information from various sources and carefully assess that information based on validity and risk," sabi ng tagapagsalita.

"These matters were assessed earlier this year in accordance with that process and it was determined that they pose no threat in Australia."

Kasama daw sa plano ng lalaking inakusahan ng terorismo ay ang paggawa ng car bomb at ang pagmamaneho nito sa lugar sa merkado na may maraming tao.

Ayon kay Queen Victoria Market chairman Paul Guerra, nalaman nila ang tungkol sa plano noong Lunes.

"We're in very close contact with Victoria Police," sabi niya sa estasyong 3AW sa Melbourne.

"They alluded to this yesterday but there is no credible threat, there's certainly no immediate threat."

Ayon kay Mr Guerra, may sariling security team ang merkado at nakikipag-ugnayan sila sa pulis.

"It's a number one international tourist destination for the whole of Melbourne - therefore we have a close working relationship with Victoria Police," saad niya.

 

PAKINGGAN DIN

Share

Published

Presented by Nikki Alfonso-Gregorio
Source: AAP

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand