Mexico nagpakitang-gilas sa defending champion na Germany

Nakapanlulumo ang naging depensa ng Germany sa pagtatanggol ng kanilang titulo bilang FIFA World Cup champions. Sa iskor na 1-0, nabigla ang mga Aleman sa kanilang pagkatalo laban sa Mexico sa kanilang laban sa Moscow nitong Lunes ng umaga (AEST).

Mexico Rafael Marquez FIFA World Cup

Source: Getty Images

Para sa panig ni Joachim Low, hindi naging maganda ang panimula nila sa torneo sa pagkapanalo lamang ng isa sa kanilang anim na friendly matches simula noong mapabilang sila sa Russia 2018 na may 100 porsyento na rekord.

Kitang-kita na sila ay nahirapan sa kanilang laro laban sa Mexico, at halos hindi nabigyan ng pagkakataon ang Germany na makaporma sa pagbubukas ng kanilang laban.

Ang kanilang positibong diskarte sa laban ay umani ng kaisa-isang goal sa buong laro matapos ang 35 minuto nang nagpamalas si Hirving Lozano ng isang counter-attacking move.

Si Joshua Kimmich at Timo Werner ay muntik nang makakuha ng goal sa ikalawang yugto ng laban, subalit nanatiling malakas ang Mexico sa naturang laro.

Sa susunod na Group F game, na kay Low na ngayon ang pressure na makabawi sa susunod nilang laro laban sa Sweden habang ang Mexico naman ay may kamalayan na ang pagkapanalo nila laban sa South korea ay magbibigay-daan para mapabilang sa mga knockout stages.

Si Manuel Neuer ay nabigyan ng maaksyong panimula noong Setyembre at tiyak na magagamit siya sa unang minuto ng laban kung hindi napigilan ni Jerome Boateng ang close-range effort ni Lozano.

Bagama’t inaakala ng karamihan na masisindak ang Mexico sa mga hanay ng superstars sa panig ng Germany, napawi ang mga pag-aakalang ito nang magpakitang-gilas ang mga Mehikano sa first half-hour ng laban.   

Mukhang nasorpresa ang Germany sa ipinakita ng Mexico , at sa huli, hindi na nito nagawang makahabol 10 minuto matapos ang break.

Naging maaksyon ang labanan, habang ang magkabilang panig ay parehong naging masigasig sa kanilang pag-atake at pagdepensa upang makakuha ng goal.

Gayunpaman, umasa pa din ang ilan na makakabawi pa sana ang star-studded na koponan ni Low sa second-half subalit nabigo silang makamit ito.

Nanatiling malakas ang depensa ng Mexico. Matapos mapalampas ng komponan ng Germany ang ilang oportunidad na makapuntos, nakamit ng Mexico ang tagumpay.

Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag
Source: Omnisport

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand