Pinangunahan ni Lord Mayor Graham Quirk ang opisyal na pag-anunsyo ng mga nominado sa 12th Asia Pacific Screen Awards (APSA) sa Brisbane City Hall noong Martes.
Apatnapu't anim na mga pelikula mula sa 22 bansa ang kasama sa listahan ng mga nominado, kung saan makakatanggap ang Uzbekistan ng kauna-unahang nominasyon sa APSA.
Ang Pilipinas ay nominado sa apat na kategorya, kabilang ang Best Original Score sa taong ito.
Nominado para sa Best Feature Film and Cultural Diversity Award Under the Patronage of UNESCO ay ang period film na ‘Balangiga: Howling Wilderness’ sa direksyon ni Khavn de la Cruz.

Lord Mayor Graham Quirk hosting the official announcement of nominees Source: Supplied by C.Macintosh
Napasama din sa listahan ng mominado ang pelikulang 'Nervous translation' sa direksyon ni Shireen Seno para sa Best Youth Feature Film. Ang pelikulang ito ay tungkol sa walong taong gulang na bata na nakatuklas ng isang panulat na 'nakakapagsalin ng mga kaisipan at damdamin ng mga nerbyosong tao.'
Ang musika ni maestro Ryan Cayabyab para sa pelikulang 'Larawan' ay nominado din para sa Best Original Score na kahanay ng mga gawa nila Harry Gregson-Williams ng Australya at Omar Fadel ng Egypt. 'Ang Larawan' ay isang musical remake ng literary play noong 1950 na 'The Portrait of the Artist as Filipino' na isinulat ng National Artist of the Philippines for literature na si Nick Joaquin.
Noong nakaraang taon, iginawad ang parangal na Best Achievement in Film sa prodyuser ng pelikula na si Bianca Balbuena, na itinanghal din na kauna-unahang Pilipino na pinarangalan ng International Federation of Film Producers Associations (FIAFP).

'Ang Larawan' stars Joanna Ampil, Rachel Alejandro and Paulo Avelino Source: poster supplied
Ang Asia Pacific Awards Gala Night ay gaganapin sa ika-29 ng Nobyembre sa Brisbane Convention and Exhibition Centre at magkakaroon din ng livestream sa website ng APSA.
BASAHIN DIN