Limang malikhaing paraan upang ipagdiwang ang araw ng mga puso

Gawing hindi malilimutan ang araw ng mga puso sa pamamagitan ng mga masaya at hindi kinaugaliang selebrasyon.

JCZC Photography- Love is everywhere in Australia

Love is everywhere in Australia Source: JCZC Photography

Mag movie marathon

Iwasan ang pila sa mga sinehan sa halip ay mag- netfllix marathon ng magkasama. Mag-order ng pagkain, magbukas ng isang bote ng paboritong inumin at yakapin ang isa't-isa habang nanonood ng palabas.

Asian couple watching television
Asian couple watching television Source: Digital Vision


Magluto ng di pamilyar na pagkain

Hindi ba't magandang gumawa ng isang bagay kasama ang iyong mahal sa buhay? Maghanda ng hindi pangkaraniwang resipe at magluto kasama ang iyong mahal sa buhay. Mas painitin ito sa pamamgitan ng paglagay ng dekorasyon sa iyong kainan na tila parang nasa isang mamahalin na restawran.

Image

 

Magbyahe o kaya mag-piknik

Kung pareho kayong mahilig sa kalikasan kunin na agad ang mga gamit pang-piknik at pumunta sa pinakamalapit na parke. Maari din iwasan ang pagmamdali sa buhay siyudad sa pamamagitan ng pag-byahe patungo sa bukid upang galugarin ang kagandahan ng kalikasan. Para mas maging romantiko, mag-plano ng isang maliit na paglalakad at subukan mag-piknik sa ilalim ng puno at pag-usapan ang mga masasayang memorya na magkasama.
Portrait Of Young Friends Sitting On Picnic Blanket At Park
Couple in love drink a orange juice on summer picnic, leisure, holidays, eating, people and relaxation concept. Source: EyeEm


Magkasamang kumuha ng isang klase

May kasanayan ka bang nais matutunan? Gawin ito kasama ang iyong mahal. Ang pag-aaral ng bagong kasanayan tulad ng pagpinta, pagpapalayok, yoga o kahit klase ng sayaw ay hahasa ng iyong kasanayan at magpapatatag ng inyong relasyon.
People painting in art class
People painting in art class Source: Tetra images RF


Mag-boluntaryo sa iyong komunidad

Bakit hindi punuin ang iyong araw ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagbahagi ng iyong oras at serbisyo ng magkasama para sa komunidad. Ang ganitong gawain ay hindi lamang makakabenepisyo sa lipunan ngunit magpapalakas din ng inyong pagsasamahan.
Volunteer Group Clearing Litter In Park
Volunteer Group Clearing Litter In Park waering Vounteer T Shirts Smiling Source: iStockphoto

Share

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand