“There’s something for everyone,” ayon ito sa direktor ng 'Festival', Wesley Enoch sa SBS Filipino. Ngunit bilang simula, narito ang limang masasayang aktibidades at atraksyon na maaari mong daluhan sa panahon ng ‘festival’:
1. Silent Disco

DJ playing recorded music Source: Unsplash
Sino ang may sabi na hindi ka maaaring magdiwang sa aklatan? Gagawin ng Silent Disco ito para sa iyo. Ang kailangan mo lang gawin ay suoting ang ‘headphone’, patugtugin ang musika at sumayaw na parang wala ng bukas, habang pinapakinggan mo ang pinakabagong mga musikang galing sa ispesyal na panauhing DJ.
Magaganap ang Silent Disco sa pinakabagong gawang galerya sa 11, 18 at 25 ng Enero. Nangangako ito ng perpektong lugar para iyong ipakita at ipagmalaki ang koreograpiya na orihinal na galing sa’yo.
2. Sydney Symphony Under the Stars

Festival concert Source: Pexels
Nais mo bang makinig ng pinakapaborito mong klasikal na musika? Bakit hindi mo dagdagan ng drama ito, sa pagdalo ng isang araw na konsyerto sa Parramatta Park kasama ang iyong pamilya, kaibigan o (ahem!) iniibig – at maupo sa damuhan na nakabalot sa kumot at pagmasdan ang kalangitang punung-puno ng bituin; ano sa palagay mo?
Hayaan mong ang Sydney Symphony Orchestra na gawin ang trabaho nito na ipa-relaks ka habang pinapatugtog nila ang musika nina Rossini, Strauss, Tchaikovsky at marami pang iba sa ika-labingsiyam ng Enero.
3. Heliosphere
Maakit sa ilusyon ng ‘weightless levitation’ sa pagmasid sa ‘aerialist’ na nagtatanghal ng ilang akrobatikong ‘routine’ habang nakasabit sa makulay na ‘lunar balloon’ (katulong ang dalawang ‘technicians’ na nasa lupa).
Ang tila isang marionette ay magdadagdag ng kasiyahan sa mga tagapanuod dahil ito ay makikipagkamay sa kanila bago ito lumipad pataas.

Heliosphere Source: Sydney Festival website
Ang ‘heliosphere’ ay bahagi ng Circus Comes to Town, mula 11 hanggang 13 January sa Prince Alfred Square, Parramatta.
4. Race in Ferrython
Magdagdag ng pampalasa sa selebrasyon ng ‘Australia Day’ sa pagsama sa Ferrython o karera ng mga ‘ferries’ (na walang kaakibat na ‘pressure’); ang kailangan mo lang gawin ay umupo bilang pasahero sa Blue ferry (at suut-suot ang asul na damit).

Ferrython Source: Jamie Williams (Sydney Fest Facebook)
Ang isa sa pinaka-kilalang taunang kaganapang ito sa Sydney ay magsisimula Circular Quay, tutungo sa Shark Island at magtatapos sa Sydney Harbour Bridge.
Habang ang pangyayaring ito ay babawasan ka ng isang daan at limampu’t limang dolyar mula sa iyong bulsa, ang nakakapagpasiglang karanasang maibibigay nito ay karapat-dapat ng bawat sentimo ng iyong bulsa.
5. Moon Drops at Darling Harbour

Moon Drops at Darling Harbour Source: Sydney Festival website
Iniiisip mo ba kung ano ang pakiramdam ng nasa buwan? Ang pitong ‘super-sized water-filled droplets’ na naka-install sa Darling Harbour mula ika-siyam hanggang ika-dalawampu’t walo ng Enero, ay ipepresenta ang bahagi ng karanasang ito – at pinapahintulutan ang isa na maramdamang siya ay ‘weightless’ sa loob ng mundo.
Matuwa sa moon-inspired bouncy pads sa pagtalon, paggulong, paglaro at pagtakbo kasama ang mga pamilya at mga kaibigan.