Akala mo instant noodles lang ang kakainin mo ngayong Pasko, pero tumawag ang mga pinsan mo na makikisalo daw sila sa Noche Buena sa bahay mo.
O baka naman nadagdagan bigla ang mga bisita mo ngayong Bisperas ng Pasko?
Ano man ang dahilan ng iyong pangangailangan ng mga pagkaing madaling lutuin at gawin ngayong Noche Buena, buti na lang bukas hanggang 10pm and mga grocery ngayon araw at may oras ka pang maghanda nga mga ito:
1. Grazing platter

Ang mga grazing platters ay may keso, antipasti, biskwit, nuts, at prutas.
Ito ang isang tip kapag mamimili ka ng mga keso para sa iyong grazing platter - mamili ng mga kesong may iba't ibang texture at flavour profiles gaya ng Camembert, Cheddar at Manchego.
2. Gambas al ajillo

Initin ang olive oil at mantekilya. Idagdag ang bawang, hipon, chili flakes, paprika, asin, pamita at lemon juice.
3. Truffle fries

Imbis na asinan lamang ang mga chips, haluan ito ng grated Pecorino cheese with truffles, Parmesan at parsley.
4. Parfait

Ang mga parfait ay malalamig na dessert na may layer ng prutas, cream o yogurt at iba pang sangkap.
Isang halimbawa nito ay ang no-bake strawberry cheesecake parfait.
Gawin muna ang cream cheese layer sa pamamagitan ng paghahalo ng dalawang packs ng cream cheese at asukal (to taste), 5 tbsp heavy cream, lemon juice at vanilla.
Lagyan ng crushed digestive biscuits and ilalim ng baso. Sa ibabaw nito, ilagay ang cream cheese mixture.
Sa ibabaw ng cheese mixture, ilagay ang strawberry jam, fresh strawberries at whipped cream.
5. Sangria

Gumawa ng simpleng sangria sa pamamagitan ng paghahalo ng red wine, orange juice, at mga prutas gaya ng pinya, oranges, mansanas at cherries.
BASAHIN DIN
