Limang paniniwala ukol sa Psoriasis

Mahigit 1.6 milyong Australyano ang mayroong psoriasis at 73 porsyento sa kanila ang nagsabing ikinahihiya nila ito kung kaya't tinatago nila ang kondsiyon.

Psoriasis, an often misunderstood dermatologic disease.

Psoriasis, an often misunderstood dermatologic disease. Source: E+/Getty Images

Hinimay ng eksperto sa balat at founder ng  MooGoo na si Craig Jones ang mga karaniwang paniniwala na nakakabit sa sakit na psoriasis.

5 paniniwala tungkol sa Psoriasis

Nakakahawa ang Psoriasis

Hindi nakakahawa ang psoriasis- ito ay isang problema sa immune system. Kapag tayo ay nasugatan, nagpapadala ng senyales ang balat na kailangan pa nitong gumawa ng mas maraming cells. Para sa mga may psoriasis, ang senyales na ito ay nagmula sa isang malusog na balat at mas maraming cells ang nabubuo na siyang nagdudulot ng pagtiklap at pagkati ng mga bahagi ng katawan. Hindi ito nakakahawa, pero nakakabahala ito ang anyo nito. Ito din ay maaring maging dulot ng iba pang problema tulad ng arthritis.

Psoriasis, dermatologic diseases.
Psoriasis, dermatologic diseases. Source: E+

Ang pag-inom ng beer ay nagdudulot ng pagsilakbo ng psoriasis

Nalaman sa isang bagong pag-aaral na ang ang mga babae na umiinom ng limang baso ng beer kada linggo ay may dobleng tsansa na magkaroon ng psoriasis, ngunit hindi pa malinaw kung ito ay isang panganib. Magdudulot ng pagsilakbo ang alkohol sa ibang tao, ngunit ayon sa iba wala naman itong epekto. Nalaman din sa mga malawak na pag-aaral tungkol dito na ang mga tao na umiinom ng alak ay may malaking tsansa na magkaroon ng psoriasis, ngunit hindi pa malinaw kung ito nga ba ay dahil sa alkohol.
A Patron drinking an Australian beer.
Victoria's government has announced public drunkenness will be decriminalised in the state. (AAP) Source: AAP

Ang pag-inom ng celery juice ay makakagamot ng psoriasis

Isang holistic na opsyon ang pag-inom ng celery juice sa paglunas ng psoriasis ayon sa isang website na nagsabing lahat ng kondisyon na hindi injury ay nagmula sa atay (www.medicalmedium.com). Dapat ay malaya ang mga taong maghanap ng mga opsyon, ngunit may mga pag-angkin din tungkol sa lahat ng bagay sa internet kaya dapat mag-imbestiga ng husto kung ano ang nararapat sa'yo.
drinking celery juice is a holistic option for treating (not curing) psoriasis.
drinking celery juice is a holistic option for treating (not curing) psoriasis. Source: WikiCommons

Nakakasira ng balat ang pagligo sa bleach

Ang pagligo sa bleach ay tipikal na ginagamit ng mga may eczema kumapara sa mga may psoriasis. Magkaiba ang eczema at psoriasis. Naglalagay ng konting bleach ang mga tao sa tubig at ito ay tumutulong sa pagpatay ng bakterya na maaring maging sanhi ng ezcema. Ang problema ay alkaline ang bleach at ang eczema ay mas mahina kapag acidic ang balat.
People add a very small amount of bleach to the water and this helps kill the bacteria that can cause infections in eczema patches.
People add a very small amount of bleach to the water and this helps kill the bacteria that can cause infections in eczema patches. Source: Laia Abril

Walang lunas sa psoriasis

Hindi ito totoo, ngunit magkaiba ang tao at ang paghanap ng lunas na mabuti para sa'yo ay maaring hindi madali. Bilang dagdag sa magaang terapiya, nakakatulong ang sikat ng araw sa ibang tao. Pag-iwas sa stress. Ang iba naman ay inaatake pagkatapos ng mga partikular na pagkain. Maaring makatulong din ang ilang droga na katulad ng mga droga na anti-cancer , ngunit may mga epekto ito.
A good calming moisturiser helps but a topical cream cannot cure psoriasis.
A good calming moisturiser helps but a topical cream cannot cure psoriasis. Source: Photo Skim Cream on Face by http://www.cushyspa.com/ is licensed under CC BY 2.0)
Nakakatulong ang mga mabuting calming moisturiser. Gayunpaman, hindi nakakalunas ng kondisyon ang mga topical cream. Ang pagpalit ng cream kada isang buwan ay nakakatulong din dahil bumubuo  ng resistensya sa balat ang cream na ginamit ng matagal. Maari din magbigay ang doktor ng steroid cream, gayunpaman dapat ay maunawaan muna ang mga epekto nito bago gamitin.

 

BASAHIN DIN:

PAKINGGAN DIN:




Share

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand