Pitong paraan upang maiwasan ang Eczema ngayong tag-lamig

Ayon sa mga dermatologist, ang Australya ang may isa sa pinaka-mataas na insidente ng ezcema sa mundo. Ngayong Eczema Awareness Week, ika 13-19 ng Mayo, ibinahagi ng naturopath na si Caroline Robertson ang mga tips upang labanan ang eczema.

The most common skin conditions of Filipinos during the winter season are dermatitis, eczema and cold urticaria

Source: Getty Images

Isang kumplikadong sakit, apektado ng eczema ang balat na nagiging dahilan ng makati at tuyong balat at maaari din kapitan ng bacteria na Staphylococcus aureus at  cold sore virus.

“Eczema can develop for a number of reasons, including climate, lifestyle, hygiene and genetics and can become easily infected, causing pain, inflammation and lack of sleep,” ayon sa naturopath na si Caroline Robertson mula sa Flannerys Organic & Wholefood Market.

Dagdag niya na bagaman hindi nakakahawa at walang maliwanag na rason sa pagsilakbo nito, maaaring makontrola ang ezcema.

“It isn’t contagious and, frustratingly, there is no single factor which causes an eczema flare-up. It can be kept well-managed, but it is often stressful and costly to get under control,” dagdag ni Caroline.

Pitong tips upang labanan ang ezcema

Bantayan ang diyeta

Bawasan o iwasan ang sugar at yeast, sa halip kumain ng oily fish, mga pagkaing mayaman sa vitamin A, E at omega-3 tulad ng flaxseeds at walnuts. Mas mabuti din na magkaroon ng food diary upang masubaybayan sakaling lumabas ito.
Healthy fat source
Healthy fat source. Top view with copy space Source: iStockphoto

Subukan mag-supplement

Uminom ng mga vitamin B supplement. Pataasan din ang pag-inom ng omega fatty acids, hemp oil at fish oil. Mabuti din ang pag-inom ng Probiotics at  lactobacillus rhamnosus strain upang maging mas malusog ang balat.
Fish Oil Tablets
Source: Insight

Iwasan ang mga matatapang na produkto

Iwasan ang mga matatapang na sabon, foaming agent, pabango at preserbatibo sa mga skincare o sabong panlaba.
Bubbles on a bar of soap
Bubbles on a bar of soap Source: RooM RF

Iwasang maligo sa mainit na tubig

Pababaan abg temperatura ng tubig dahil nagiging sanhi ito na maalis ang natural oil ng balat at nagdudulot ng iritasyon. Ss halip, maligo ng maligamgam na tubig at lagyan ng Himalayan rock salt.
Himalayan salt bath
Himalayan salt bath Source: SBS

Panatilihing 'moist' ang balat

Gumamit ng fragrance-free na mga produkto pagkatapos maligo tulad ng mga calming ingredients na shea butter, calendula, lavender, oatmeal at liquorice.
Asian women are applying cream and lotion to her face after bathing in the bathroom.
Asian women are applying cream and lotion to her face after bathing in the bathroom. Source: iStockphoto

Panatilihing malusog ang bituka

Madalas ang problema sa bituka ay lumalabas sa balat, manatiling malusog sa pamamagitan ng mga gut friendly food tulad ng bone broth at probiotics.
Smiling couple drinking orange juice and buttermilk while enjoyi
husband drinking orange fresh juice smoothie while wife prefers buttermilk yogurt for good digestion, beverage in healthy eating Source: iStockphoto


Humingi ng tulong kung kinakailangan

Siguraduhin na kumonsulta sa isang healthcare professional kung nagpapatuloy ang isyu, makaktulong din sila s pagtukoy ng mga allergen sa kapaligiran at diyeta na maaaring dahilan ng iyong problema sa balat.
Doctor consultation
Getting help: Talk to your GP Source: Getty images
 

Sundan ang SBS FILIPINO sa FACEBOOK

Basahin din:
 

 


Share

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand