Habang tayo ay tumatanda, normal na mangyari ang mga pagbabago sa ating memorya at pag-iisip. Ang mga pisikal na pagbabago ay nangyayari sa ating mga utak habang tayo ay tumatanda kabilang ang pagkawala ng mga brain cells at ang mga koneksyon sa pagitan nito. Gayunpaman, nagiging problema ang isyu sa memorya kung patuloy nitong dinidistorbo ang pang-araw araw na buhay.
Ayon sa Dementia Australia may pagkakaiba sa pagitan ng pagkawala ng memorya bilang bahagi ng pagtanda at bilang sintomas ng dementia.
Bagaman may mga dahilan na nakakaapekto sa pagkawala ng memorya, at marami dito ay hindi konektado sa dementia tulad ng stress, pagkabahala, sakit, kalungkutan at ibang medikasyon o pagod, iba pang kondisyong medikal tulad ng pagbago ng hormones, kakulangan sa sustansiya, depresyon, sakit sa atay at bato, mahalaga na ito ay bigyang aksyon kung palagi ng nakakalimot.
Kelan ka dapat mabahala tungkol sa iyong memorya
Ang mga pagbabago sa memorya na gumugulo sa karaniwang takbo ng buhay ay hindi mga tipikal na bahagi ng pagtanda. Kung nakakaranas ng mga ganitong hamon panahon na upang ito ay seryosohin.
Paulit-ulit na nakakalimot kung saan nilagay ang gamit
Kung makikita ang mga susi sa loob ng pridyder, ang remote sa loob ng drawer o makikita ang mga nawawalang bagay sa mga kakaibang lugar at paulit-ulit na nakakalimot kung saan nilagay ang gamit ay mga malakas na indikasyon ng pagkawala ng memorya.

The man keeps on misplacing his things. Source: AAP
Nahihirapang makaalala ng mga bagong kaganapan sa buhay at nahihirapang makaalala ng araw at petsa
Maaring senyales ng pagkawala ng memorya kung nahihirapang makaalala ng pangalan ng isang pamilya na nakikita kada linggo o nagkakaroon ng problema sa pag-alala ng mga pangyayari sa buhay.

The woman is having trouble remembering recent events in her life. Source: Getty Images
Nahihirapan makaalala kung paano gawin ang mga bagay o nahihirapang maalala ang mga pamilyar na rota
Maaring senyales ng maagang dementia kung nahihirapang gawin ang mga simpleng trabaho tulad ng pagbabayad ng bills, pagdadamit, paghugas o pagkalimot na gawin ang mga bagay na ginagawa na lagi o kaya nawawala sa mga pamilyar na lugar o nahihirapang sumunod sa mga direksyon.

Exhausted businessman sitting at desk in office at night having difficulty to changes in his routine Source: Getty Images
Nahihirapang mag-isip sa gitna ng mga problema
Ang mga taong may maagang senyales ng dementia ay mahihirapang lutasin ang mga problema at kontrolin ang mga emsosyon. Maari din silang makaranas ng mga pagbabago sa personalidad, mga delusyon o guni-guni at pagka-iritable.

The Asian girl is having difficulty thinking through her problems. Source: Getty Images
Difficulty following conversations Nahihirapang sumunod sa mga usapan
Ang taong nawalan ng memorya ay nahihirapang tumagal sa isang usapan at palaging nakakalimot o gumagamit ng maling salita o umuulit ng mga salita at storya sa parehong usapan.
Nahihirapang humawak ng mga pinansyal na bagay o desisyon

A woman is having difficulty following conversations. Source: Getty Images
Hindi normal na senyales ng pagtanda ang paggawa ng mga maling desisyon at problema sa paghawak ng mga bayarin.

A man is having trouble with his finance due to memory loss. Source: Getty Images
Bumisita sa doktor
Panahon na upang konsultahin ang doktor kung malala na ito at palaging nakakalimot.
Sa pagbisita sa doktor sabihin ang mga problema dahil ito ay magbibigay ng basehan para sa karagdagang talakayan at pagsubok. Maging bukas at matapat sa iyong doktor tungkol sa iyong nararanasang problema at kung ito ba ay mas nagiging isyu sa mahabang panahon.
BASAHIN at PAKINGGAN din:
Share

