May kilala ba kayong nadiagnose ng Dementia? Maari kayong matunlungan ng The Filipino Community Council of Victoria Incorporated (FCCVI) sa pamamagitan ng kanilang Social Support Group.
Sa pamamagitan ng kanilang trained na support workers ang mga Pilipino na nadiagnose ng Dementia ay maaring makibahagi sa lingguhang salo-salo, mamasyal at kumain sa paboritong cafe. Naghahatid din sila ng tulong at suporta sa mga mag-anak na nagaalaga sa kanilang mga mahal sa buhay na may Dementia. Hindi kayo nag-iisa, may laging handang tumulong sa inyo.
Share




