Batid ng magkaibigan na nurses na sina Marilen Salonga and Irene Gomez na hindi ganoon kadali pasukin ang pagtatayo ng negosyo patungkol sa NDIS, bagay na nalaman nila nang itinayo ang kumpanya nila noong Oktubre 2023. Sumali sila sa mga networking events para makakalap ng mga kliyente.
Key Points
- Ayon sa IBISWorld, tinatayang aabot ng $45 billion ang halaga ng mga nagbibigay ng tulong sa NDIS o NDIS provider. Dala ito ng taunang paglago ng 9.3% sa loob ng limang taon mula 2025 hanggang 2026.
- Ayon sa business partners na sina Salonga at Gomez, pinaghatian nila mula sa sariling ipon ang higit $100,000 na kapital sa pagtaguyod ng kanilang negosyong ‘Hillsberry Care.’ Kabilang sa mga hindi inaasahang gastos ay ang pagbili ng mga sasakyan para maihatid ang mga kliyente, pati na rin ang mga dagdag – sahod sa mga empleyado.
- Bunsod ng kaalaman nila sa nursing, sineserbisyuhan nila ang mga sumusunod: NDIS, veterans’ services, community nursing, Commonwealth-funded health services, aged care, at veterans’ home care.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.
Ang mga impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa mga eksperto sa usaping negosyo, legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.





