Kakaibang business model ang ginamit ng negosyanteng taga-Perth na si Diane Bernarte noong nabili ang pisikal na tindahan noong Nobyembre 2005. Di tulad ng mga kakumpitensya, pinapatakbo niya ang sariling kusina na naka-paloob dito, bagay na nagbibigay ng kalayaan at kontrol sa mga pagkain na lulutuin at ibebenta sa mga customers.
Key Points
- Sa datos ng Australian Bureau of Statistics patuloy na tumataas ang benta ng pagkain sa Australia mula noong 2020 hanggang 2023, kung saan umabot sa 168.45 billion AUD ang kita galing sa 151.55 billion AUD.
- Sa pinagsamang ipon ng mag-asawang Bernarte, na-pondohan nila ang paunang kapital na inabot AUD 100,000 para sa kanilang negosyong Lola’s Asian Grocery and Kitchen. Hindi kasama sa halagang ito ang security cameras, bayad sa accountants at insurance.
- Bukod sa pag-gawa ng sariling minatamis o ‘desserts’ gaya ng taho, o sweetened silken tofu, mas tinutuunan ng pansin ni Bernarte ang pag-gawa ng mga ulam para mabilis na maihain ng mga customers pag-uwi nila sa bahay.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.
This podcast is for general information only. For specific financial advice, you should consider seeking independent business, legal, financial, taxation or other advice to check how the information here relates to your unique circumstances.





