Kasabay ang dalawang dekada sa industriya ng hospitality, sumugal ang taga- Melbourne na si Nita Mooney sa pagpasok sa negosyo nang inumpisahan ang food truck niya sa Thomastown nitong Hulyo 2026. Ayon sa kanya, ang pamamahala sa budget ang pinakamahirap niyang natutunan sa unang salta niya sa pagnenegosyo.
Key Points
- Ayon sa Statista, ang industriya ng food truck sa Australia ay tinatayang lalaki ng 7% kada taon hanggang 2030, dala na rin ng mataas na demand sa mga gustong kumain sa labas.
- Inabot ang paunang kapital sa halagang $45,000 –na mula sa personal na ipon. Sakop nito ang food truck, equipment, at insurance. Sa kabila nito, biglaang kinailangan ang $5,000 na generator para sa kanyang van na ‘Filipino Street Food and Coffee, bagay na nakakadagdag sa ‘unforseen expenses’ o hindi inaasahang gastos.
- Kahit bihirang nangyayari na hindi nagustuhan ng customer ang lasa ng order, humihingi si Mooney ng pang unawa, tinatanong kung paano nito pagbubutihin ang timpla. Kasabay nito ang pag-aalok ng libreng kape bilang pakonswelo dito.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.
Ang mga impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa mga eksperto sa usaping negosyo, legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.





