Para sabayan ang kanilang online grocery store, sumali sa weekend market ang mag-asawang arkitekto na taga-Canberra na sina Emerson and Mary Ann Ramos noong 2020. Ginawa nila ito bago sila nagbukas ng tindahan. Bagay na hindi nila pinagsisisihan dahil dito nila nakilala ang mga kliyente na mahilig mag-inspeksyon sa mga produktong bibilhin.
Key Points
- Ayon sa Statista, patuloy na tumataas ang benta ng pagkain sa Australia mula noong 2020 hanggang 2023, kung saan umabot sa 168.45 billion AUD ang kita galing sa 151.55 billion AUD.
- Sa pamamagitan ng personal na ipon at bank loan, nabuo ng mag-asawa ang kapital na $150,000 AUD para itaguyod ang kanilang pisikal na tindahang ‘Asian Savoury Southeast Asian Grocery Store’ sa Belconnen Fresh Food Markets.
- Para sa mga negosyante, malaki ang tulong na kanilang karera sa maayos na pagpapatakbo sa kanilang negosyo gaya ng company playbook para gabayan ang mga tauhan.
Nakaka-kalap kami ng customer base sa flea market. Doon kami nagkaroon ng koneksyon sa mga bumibili dahil nakaka-usap namin sila. Sa ganitong paraan sila nagbibigay ng suggestions patungkol sa mga produkto na hinahanap nila.Emerson and Mary Ann Ramos, Entrepreneurs
Ang mga impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa mga eksperto sa usaping negosyo, legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.





