1. Ang Kahanga-hangang ako
• Tuklasin ang mga abilidad at kakayanan ng bata

The Wonderful Me Source: Pexels
• Ipagdiwang ang magagandang katangian ng bata
• Tulungan ang bata sa mga kahinaan at kakulangan niya
• Magbigay ng mga oportunidad sa bata na maranasan niya ang iba't ibang bagay at mag-eksperimento habang nasa ilalim ng pag-gabay mo
• Hayaan siyang magkamali
• Tulungan siyang maintindihan ang kanyang mga pagkakamali, at gamitin ito bilang oportunidad upang siya'y matuto
2. Huwag mo akong ikumpara sa iba
• Iwasan ang pagkumapara sa mga bata

Don't compare me. Source: Pexels
• Unique ang bawat pamilya kaya iwasang ikumpara ang karaniwang pagpapatakbo o gawain ng bawat isa
3. Bigyan mo ako ng seguridad
• Bago pa man mag-umpisa ang karunungan, kinakailangang maramdaman ng bawat isa ang kaligtasan at seguridad.

Secure me. Source: Pexels
• Dapat siguraduhin ng mga magulang na age-appropriate at nasa abilidad ng bata ang mga hangarin nila para dito
• Dapat maramdaman ng bata na kapag may ginagawa siya o siya'y tumutulong, hindi siya hinuhusgahan at hindi siya parurusahan anuman ang resulta ng kanyang gawain
• Bigyan ang bata ng sapat na panahon para matuto
4. Makipaglaro ka sa akin
• Gawing nakakatuwa at masaya ang mga aktibidad ninyo

Play with me Source: Pexels
• Bigyaan ng oportunidad ang bata na mamili at magdesisyon
• Hayaang mag-enjoy ang bata
• Okay lang kung hindi tama ang gawain ng bata sa umpisa
• Hayaan lang siyang patuloy na gumawa ng mga gawain, at magbigay ng mga constructive feedback upang magkaroon siya ng tiwala sa sarili
5. Kausapin mo ako
• Magkaroon ng magandang ugnayan sa bata

Talk to me. Source: Pexels
• Siguraduhing bukas ang komunikasyon sa pagitan mo at ng iyong anak
• Magplano ng mga aktibidad o gawain kasama ang bata
• Siguraduhing malinaw ang mga patakaran sa inyong tahanan
BASAHIN DIN
Share

