Harry Kane, “An Englishman in Russia” – Bakit maaring manalo ang England sa World Cup

Si Harry Kane ay isang Englishman sa Russia, at sa kanyang pamumuno bilang kapitan, maaaring maipanalo niya ang kanyang koponan sa World Cup.

Kane

Harry Kane celebrates a goal for England Source: Getty Images

Ang ilang mga linya mula sa 1986 single ni Sting, “An Englishman in New York” ay nagsasabing:

“If "manners maketh man" as someone said
He's the hero of the day
It takes a man to suffer ignorance and smile
Be yourself no matter what they say

Confront your enemies, avoid them when you can
A gentleman will walk but never run”

Si Harry Kane ay isang Ingles sa Russia, at, sa kanyang pamumuno bilang kapitan, maaaring maipanalo niya ang kanyang koponan sa World Cup. Siya ay isang mahusay na manlalaro ng putbol at sinasabing go-to man. Kayang-kayang ni Kane na maka-iskor ng goal gamit ang kanyang boot at ang kanyang ulo. Kaya din niyang suportahan ang mid-field, i-hold ang bola, at suportahan ang kanyang mga kasamahan sa koponan sa pag-atake. Sa edad na 24, siya ang naging pinakabatang kapitan ng England.

Ang English daily tabloid na The Sun, ay gumawa ng artikulo tungkol sa kanya na pinamagatang "Captain Sensible."Si Kane ay walang bisyo (hindi siya umiinom), walang mga tattoo, umiiwas sa mga showbiz events at mas gusto niya ang tradisyonal na hairstyle. Siya din ay nakatuon sa kanyang childhood sweetheart. Ayon sa artikulo:  “Valued at more than £200million, he has scored 108 goals in 153 appearances in the Premier League for Tottenham.”
Harry Kane featured in The Sun
Harry Kane featured in 'The Sun' Source: The Sun website
Sa naganap na England-Colombia match, si referee Mark Geiger ang pinaka-abala, nakapagbigay siya ng walong yellow cards, anim dito ay sa Colombia. Sa loob ng 12 minuto sa second-half kung saan apat na yellow cards ang naipamigay, kabilang ang isa kay Colombian midfielder Carlos Sanchez nang pabagsakin niya si Kane sa penalty area sa isang set piece. Nagawang i-slot ni Kane ang bola papunta sa net.

Hindi bababa sa apat ang fouls na nakatuon kay Kane. Ngunit, sa lahat ng mga ito, hindi siya nagreklamo, nanakit, o naghangad na gumanti. Sa halip, hinayaan lamang niya ang mga ito.  Isang magandang halimbawa ng sportsmanship na maaring makuha sa kanya ng mga kasama niya sa koponan.
Colombia v England: Round of 16 - 2018 FIFA World Cup Russia
2018 FIFA World Cup Colombia vs England . Source: Getty Images Europe
Nalampasan ni England manager na si Gareth Southgate ang kanyang missed penalty sa 1996 semi-final laban sa Germany at kinailangan niyang harapin ang kinahinatnan nito. 

Maganda ang ipinakita nila Kieran Trippier, John Stones at Jesse Lingard. Pinatunayan ni Pickford na siya ay isang magaling na keeper, ang pagpapapalit kay Joe Hart ay naging maganda ang naidulot. Si Kieran Trippier ay matatag sa kanyang pwesto, si Eric Dier ay ginawa niya ang kanyang makakaya, at tinanggap niya ang penalty sa positibong paraan. Maganda din ang ipnakita nila Raheem Sterling at Marcus Rashford, subalit kailangan pa nilang galingan sa mga susunod na laro. 

Panghuli, ay ang ekonomiya ng Britanya. Iniulat ng BBC News na ang nagawa ng UK's Central for Retail Research ay sinasabing nakinabang ang ekonomiya ng UK sa extra spending ng mahigit GBP 1 bilyon ngayong taon. Tinataya ng centre na ang spending will ay tataas sa mahigit GBP 2.7 milyon kung manalo ang England sa World Cup Finals sa Russia.

Tinalo ng England ang Colombia sa penalty kicks kahapon para makapasok sa quarter-finals at haharapin naman nila ang Belgium bukas ng gabi para sa spot sa semi-finals. 

Kasunod nito, ang Sweden. 'A game at a time,' ika nga. Ngunit ito ay isang magandang kwento at hindi natin alam, baka masorpresa tayo ng mga Englishmen sa Russia. 

ALSO READ:


 


Share

Published

Updated

By Michael Moran
Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand