England, naharang ang shootout curse, makakaharap nila ang Sweden sa quarter-finals

Nakakuha ng decisive spot kick si Eric Dier habang naipanalo ng England ang isang FIFA World Cup penalty shootout sa unang pagkakataon. Nalampasan nila ang Colombia 4-3, nagtapos ang laban na 1-1 pagkatapos ng 120 minuto para makaharap nila ang Sweden sa quarter-finals.

Colombia v England: Round of 16 - 2018 FIFA World Cup Russia

FIFA World Cup Russia Colombia and England at Spartak Stadium on July 3, 2018 in Moscow, Russia. Source: Getty Images Europe

Ang ika-anim na goal ni Harry Kane sa 2018 FIFA World Cup ay naging sapat para masiguro ng England ang kanilang unang knockout win sa isang malaking torneo sa loob ng 12 taon, ang kapitan ng Three Lions ay naka-iskor matapos sya ma-foul ni Carlos Sanchez.

Ngunit kinuha ng Colombia ang huling 16 na tie sa extra-time na may dramatic equalizer sa ika-93 na minuto sa Moscow noong Martes. Si Yerry Mina ay nakakuha ng puntos at nakalusot sa corner ni Juan Cuadrado.

Sa shootout, nabigyan ng bentahe ni David Ospina ang Colombia matapos niya maiwasan ang penalty kay Jordan Henderson, ngunit Si Mateus Uribe ay tumira sa crossbar at hinarangan ni Jordan Pickford si Carlos Bacca upang bigyan ng pagkakataon si Dier na maipanalo ito para sa Three Lions.

Tumira ng spot-kick si Dier kahit na sinubukan ni Ospina na makapasok. Nakatakda na ang England na harapin ang Sweden sa Sabado sa Samara.

Wala si James Rodriguez sa koponan ng South American dahil sa injury at napaalis pa sana nila si Wilmar Barrios sa first half nang ma-headbutt nito si Henderson.

ALSO READ:

Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag
Source: Omnisport

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand