Ang nangungunang pahayagan na Bild ay naglabas ng headline na “OUT!” sa website nito matapos matalo ng South Korea ang Germany 2-0, at tinawag itong bangungot at nagsabing “We didn’t deserve any better.”
"The biggest disgrace in German World Cup history. The loss is the embarrassing end to a catastrophic group phase," inihayag ng pahayagang Bild sa kanilang website.
Si Chancellor Angela Merkel ay nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa isang kaganapan tungkol sa artificial intelligence sa Berlin.
Nang sabihin ng robot na si Sophia na ang koponan ng Germany ay nanatiling isa sa pinakamagaling sa buong mundo, sinabi ni Merkel, "That's true, if you take a long view. But this evening we're all very sad."
Sa Berlin, pwang tahimik ang lahat. Bakas sa mga tagahanga ang kanilang lungkot habang sila ay papaalis sa mga café at bar.
Libo-libong mga tagasuporta ng Germany na nanood ng laro sa Brandendburg gate ay nabigla sa pagkatalo ng Germany sa South Korea, ang ilan ay napaiyak pa.
"It didn't go well from the start. The first game wasn't great, the second game wasn't great and we shouldn't even talk about today," sinabi ng isa sa mga tagahanga ng koponan.
"We deserved to lose. Something definitely has to change now."
"The team just didn't even fight. It was a terrible game," sabi ni Janin Roethig habang siya’y napaluha.
Sinabi ng coach ng Germany na si Joachim Low na maaga pa para malaman kung ano pang pwedeng mangyari sa hinaharap ng koponan.
"I'm terribly disappointed," sabi ni Loew. "I need a few hours to digest it."
Inilarawan ng pahayagang Die Welt ang nagawa ng koponan na “disgraceful.”
"Tame, lacking in ideas and passion - the team deservedly lost against South Korea," sabi nila.
BASAHIN DIN: