Ayon kay Philippine Football Federation (PFF) Consultant Michael Moran, “Yung mga non-elite na teams…yung mga less developed teams are giving the top teams very good opposition.”
Saad niya na ang laro ay “a tale of two halves” kung saan nangunguna ang Mexico sa unang kalahati at sinubukang makahabol ng Alemanya sa pangalawa.
Sinuri din ni Mr Moran ang laro ng Switzerland laban ang Brazil, kung saan nanalo ang mga Swiss. Ang Switzerland daw ay pumapang-anim sa buong mundo at halos perpekto ang record nila bago sila pumasok sa World Cup.
Aniya, magagaling ang mga indibwal na manlalaro ng Brazil; ngunit, hindi daw “fluid” ang laro nila bilang isang koponan. Hindi rin daw gaano kaganda ang laro ni Neymar, ang star player ng Brazil.
Sa kabuuan, “We’re seeing some very amazing free kicks that resulted in goals”, ayon kay Mr Moran.
PAKINGGAN DIN