Ang karaniwang masiglahin na si Ronaldo ay sumablay sa target sa kanyang 53rd-minute penalty, na ibinigay sa kanya matapos suriin ang video. Nabigo ang Portugal na mahigitan ang first-half stunner ni Ricardo Quaresma sa laban ng Group B.
Ang pagkamintis ni Ronaldo, na marahil ay maswerte pa na hindi sya nabigyan ng red card sa isang VAR check matapos matamaan ng kanyang braso ang mukha ni Morteza Pouraliganji, ay di napalampas nang makakuha ng handball si Cedric Soares matapos tignan ulit ni referee Enrique Caceres ang kanyang video monitor.
Hindi tulad ni Ronaldo, hindi nagkamali si Ansarifard nang magpamalas ito ng magandang pagtatapos sa laban sa Saransk.
Ngunit pinalubha pa ni Taremi ang sitwasyon nang subukan nitong tumira nang malapitan habang ang Portugal ay nakaantabay.
Nangagahulugan ito na ang mga European champions ay kabilang na sa last 16, pumapangalawa sa Spain – na nakakuha ng 2-2 draw sa kanilang laro laban sa Morocco – kung pagbabasehan ay ang puntos sa goal, habang ang Iran ay nasa ikatlong posisyon, na may apat na puntos.
BASAHIN DIN: