Maliban sa unang red card ng World Cup 2018 na binigay sa Colombian na Carlos Sanchez sa laban ng Japan-Colombia, ang Japan ang naging unang Asyanong koponan sa turnamento na nakatalo sa isang koponan mula Timog Amerika.
Ngunit, kahit natalo ng Japan ang Colombia ng 2-1, sinabi ni Mr Moran na katukoy-tukoy ang free-kick ng Colombian na si Juan Quintero.
Saad niya, ito ay “a smart, cute and cheeky free-kick, which was low and hard, and it actually went under the wall kasi the last few free kicks you noticed were all over the wall.”
Mahalaga din ang laro ng Senegal laban sa Poland dahil ito ang selebrasyon ng pagbabalik ng mga Senegalese sa turnamento. Sila rin ang pinakaunang Aprikanong koponan na nanalo sa isang laro sa World Cup nitong taon.
Ayon kay Mr Moran, “They [the Senegalese] showed that they were not a one-man team”.
Sa laro naman ng Rusya laban sa Egypt, paniwala ni Mr Moran na ang laro ay “high tempo, pulsating and entertaining”.
“Russia proved their critics wrong,” dagdag niya.
PAKINGGAN DIN