Filo World Cup Talk: Belgium at Sweden nagwagi sa mga una nilang laban sa World Cup

Panama hold Belgium goalless at halftime

Panama hold Belgium goalless at halftime (Reuters) Source: X03696

Naipanalo ng koponan ng Belgium at Sweden ang kanilang mga unang laban sa World Cup.


Tatlong second-half goals ang nagbigay sa Belgium ng 3-0 n apanalo laban sa World Cup first-timer Panama sa kanilang laban sa Sochi.

Ayon kay Elmer Bedia, “Ang Panama first timer, hindi alam ng Belgium ang style ng laro nila so so medyo nahirapan din ang Belgium mag-penetrate.”

Ang Swedes ay natalo ang South Korea 1-0 sa laro ng Group F.

Ipinaliwanag ni Bedia, “Sa first minute, medyo mas malakas yung Korea at nakuha nila umatake sa buong 10 mins. Ang South Korea medyo nagkukulang sila sa atake.”

Nakakuha ng kaisa-isang goal sa buong laban si Captain Andreas Granqvist sa penalty na iginawad ng video assistant referee, na nagpatigil ng laban matapos hindi pansinin ng on-field referee ang penalty.

Isang last-minute goal mula kay Captain Harry Kane ang nagpapanalo sa koponan ng England.

Sa laro ng England laban sa Tunisia sa Volgograd, nagkaroon ng bentahe ang England sa nakuhang goal ni Kane. Mas nakakuha pa sana sila ng maraming puntos dahil na-pressure nila ang depensa ng Tunisia.

 “Maganda ang laban sa huli dahil umaatake din ang Tunisia, muntik-muntikan din silang naka-goal kaya lang England has a very strong forward, si Harry Kane.”

BASAHIN DIN:

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand