Nagpakita ng "obscene gesture" si Robbie Williams sa World Cup

Lumaswa ang pagganap ni Robbie Williams sa pambukas na seremonya ng 2018 FIFA World Cup ng bigyan niya ng "middle finger salute" ang kanyang mga kritiko.

Robbie Williams signing off with an obscene hand  gesture.

Robbie Williams signing off with an obscene hand gesture. Source: SBS News

Tampok ang mang-aawit na si Robbie Williams sa isang makulay na palabas sa Luzhniki Stadium. Tumagal ang palabas ng 15 na minuto.  Kumanta si Mr Williams ng ‘Angels’ kasama ng Russian soprano na si Aida Garifullina, at lumabas rin ang maraming mananayaw pati ang two-time world champion na si Ronaldo ng Brazil.

Binatikos noon si Mr Williams ng tanggapin niya ang alok na mapasali sa pambukas na seremonya ng World Cup.

Ikinagulat ng mga manonood ang pagpalit niya sa mga lyrics ng kanyang kanta na ‘Rock DJ’ sa “but I did this for free”, at sa pagharap niya sa kamara upang itaas ang gitna niyang daliri.

Dinesesyunan niya na wag kantahin ang ‘Party Like a Russian’, ang kantang nangungutya sa mga oligarko.  

Sa kabila ng kanyang ginawa, mukhang natuwa naman ang mga manonood sa Rusya sa kanyang tanghal.

Tinaas ng dating kapitan ng Spain na si Iker Casillas ang 2010 World Cup trophy at inilabas ito bago ang seremonya habang nagwawagayway ang mga watawat ng 32 na bansa na nakasama sa mga laro. Ginawa ito ni Mr Casillas habang kumakanta ang mga mangangawit ng ‘Angels’.

Mahigit kumulang 800 na katao ang kasama sa mga aktibidades sa entablado na naganap malapit sa oras ng kick-off kumpara sa mga laro noon.

Pagkatapos ng ilang minuto ng umalis si Mr Williams, pumasok ang Pangulo ng Rusya na si Vladimir Putin sa entablado.

Binati ni Pangulong Putin ang mga tagahanga sa buong mundo, at tinawag niyang isang “splendid football festival in a hospitable and friendly country" ang World Cup 2018 sa Rusya.

Ayon kay Mr Putin, “Russians love football" at para sa kanila, "love at first ever since the first official game in 1897" ang laro.

Mahaba-haba ang talumpati ni Mr Putin kumpara sa mga naging talumpati sa mga nakaraang World Cup. Sinaad ng pangulo na sa kasalukuyan, hiwalay ang Rusya sa ibang bahagi ng mundo dahil sa mga nangyayaring krises pagdadating sa diplomasya.

Binangit niya sa kanyang talumpti ang "sport's humanistic value" at ang kapangyarihan nitong sumuporta ng "peace and understanding between nations".

Ang presidente ng FIFA na si Gianni Infanto ang susunod na nagsalita, una sa Ruso, tapos sa Ingles at Arabe. Masayang tinanggap ng mga manonood mula sa Rusya at Saudi Arabia ang kanyang mga salita.

Ayon kay Mr Infantino sa Ingles, "As of today, for one month football will conquer Russia and from Russia football will conquer the whole world - enjoy the biggest celebration on earth."

Pinatugtog ang mga national anthem ng mga bansang kasali sa World Cup, at nakipagkamayan ang mga miyembro ng mga koponan. Nag-umpisa ang World Cup sa isang kick-off gamit ang isang match ball na umikot sa mundo noong Marso sa loob ng International Space Station.

Siguradong magiging makulay pa ang susunod na 32 na araw.

 

BASAHIN DIN

Share

Published

Updated

Presented by Nikki Alfonso-Gregorio
Source: AAP

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand