Ayon kay Mr Moran, ang mga pinapapaboran na mga bansa ngayong taon sa World Cup ay ang Alemanya, Pransiya at Espanya; subalit, mataas ang kanyang pag-asa rin para sa mga bansa sa Timog Amerika na Brazil at Arhentina.
Dahil nanalo noong nakalipas na taon ang Alemanya sa World Cup at dahil patuloy na malakas ang lineup nito, naniniwala si Mr Moran na malakas pa rin ang koponan ngayong taon. Ayon sa kanya, ito ay dahil sa mga miyembro ng koponan gaya ni Tony Cruz, ang isa sa pinakamagaling na midfielder sa Europa, Thomas Müller, Sami Khedera, at Mesut Özil.
Naniniwala rin siya na malakas din ang Espanya at Portugal na nanalo laban sa Pransiya noong UEFA Euro 2016 final.
Kahit inaasahang mangingibabaw ang mga koponan galing sa Europa itong taon, ayon kay Mr Moran, dapat din bigyang pansin ang Brazil at Arhentina. Paniwala niya na maaring maganap muli ang nangyari noong 1958 kung kailan nanalo ang Brazil sa World Cup sa Sweden. Ang Brazil and unang koponan na hindi galing sa Europa na nanalo ng World Cup sa kontinentong iyon.
Pagdating sa mga koponang malamang mananalo sa kanilang mga grupo, ito ang mga prediksyon ni Mr Moran:
Group A – Russia and Uruguay
Group B – Portugal and Spain, ang dalawang grupong mauunang maglaro
Group C – Kahit bahagi ang Australya sa grupong ito, paniwala ni Mr Moran na ang pinakamalakas na koponan ay ang Pransiya at Denmark. Maari ring lumakas ang Peru.
Group D – Argentina and Croatia
Group E – Brazil and Switzerland
Group F – Germany, at maaring Mexico o Sweden
Group G – Belgium and England
Group H – Poland, at malamang ang Colombia
ALSO READ