Ayon kay Mr Bedia, kahit "very compact at the moment" ang Germany, ang nanalo noong 2017, mababa ang tsansa nitong manalo muli. Ang nakakuha lang daw ng back-to-back championship ay ang Brazil noong 1958 at 1962.
Paniwala ni Mr Bedia na ang mananalo ng World Cup 2018 ay ang France, ang runner-up noong nakalipas na taon. Ito daw ay dahil sa mga malalakas na miyembro ng koponan gaya nina Antoine Griezmann, Olivier Giroud, at ang French-born Filipino na si Alphonse Areola.
Pinili din ni Mr Bedia ang Australya bilang isa sa mga koponan na lalaban sa quarter finals dahil na rin sa pagsisikap ng team captain na si Mile Jedinak at Tim Cahill na magreretiro na pagkatapos nitong taon. Ayon din kay Mr Bedia, isa sa pinakamahalagang bahagi ng koponan ay ang bagong tagasanay nila na si Bert van Marwijk. Noong 2010, nadala niya ang kanyang bansang Netherlands sa finals.
Mula sa ibang koponan sa liga, paniwala ni Mr Bedia na ang mga susunod na bansa ang aabot sa finals:
Group A – Uruguay
Group B – Spain
Group C – France
Group D – Argentina
Group E – Brazil
Group F – Germany
Group G – Belgium
Group H – Columbia
BASAHIN DIN