Ang isa sa mga magagaling na manlalaro sa torneo ay hindi pa rin nagpapahuli matapos ang kanyang hat-trick sa kanilang panimulang laro laban sa Spain, kung saan nagkaroon ng 3-3 Group B draw. Ito ay nagbigay ng bentahe upang makakuha ng 85 international goals para sa mga manlalaro ni Fernando Santos-kung saan nakalamang ito ng isang goal ni Frenc Puskas sa all-time standings.
Ang Morocco coach na si Renard ay nakialam na sa laro nang tanggihan ng isang puntos ang kanyang mga manlalaro matapos nila dominahin ang kanilang panimulang laro laban sa Iran, na siya ding nagpalakas ng kanilang depensa laban sa Portugal.
Nakipag-usap si Renard sa mga opisyal tungkol sa dalawang natanggihang first-half penalty claims subalit mas nagkaroon sana ng mas maraming pagkakataon na sila ay makapuntos kung mas natantya nila nang tama ang pagkuha ng goal.
Ang Portugal ay muling umasa kay Ronaldo na siya ang magdadala ng laban at ang mga kahinaan na nakita sa koponan ni Santos ay salungat sa naunang tournament billing nito ang mga naging highlight sa laban na ito.
Ang Morocco ay magkakaroon ng pagkakataon na makabawi sa huli nilang laban sa Group B game laban sa Spain at maaaring sila ay mapauwi kung hindi nila pagbubutihin ang mga susunod na laban sa Russia, habang ang Portugal naman ay nakuhang umarangkada sa last 16.
Pinangunahan ni Khalid Boutaib ang hanay ng Morocco na nagdala ng magandang panimula ng laban ngunit naging hadlang si Ronaldo para makakuha sila ng bentahe sa kalaban.
Nabigo ang Morocco defender na si Manuel dela Costa na antabayanan ang kilos ng Real Madrid na manlalaro habang si Joao Moutinho ay nakuhang makapasok sa corner at nagpamalas si Ronaldo ng isang power header sa goalkeeper na si Munir Mohamedi.
Matagal na hindi naka-abante ang Portugal nang pinalakas ng Morocco ang kanilang depensa. Nagkaroon pa sana sila ng bentahe laban sa Portugal nang magharap si Ronaldo at Goncalo, subalit hindi natinag si Munir at nagawa pa nyang magpamalas ng one-handed save.
Nagpamalas din si Patricio ng magandang save para mapanatili ang bentahe ng Portugal nang ang free-kick ni Ziyeck ay tungo sa goal ni Younes Belhanda, ang goalkeeper na nagawang humarang na makapuntos ang kalaban.
Si Ziyech ay nagtawag ng isa pang set-piece habang tumatakbo ang oras. Si Nordin Amrabat at Benatia ay nagtangka pang makapuntos subalit wala nang naging pag-asa para sa koponan ng Morocco, kung kaya’t hindi na nila nagawang makapasok sa knockout stage.
BASAHIN DIN: