Neymar naging bida sa laban ng Brazil at Mexico

Ang strike ni Neymar at late second mula kay Roberto Firmino ang nagpapanalo sa Brazil 2-0 laban sa Mexico, at nagbigay-daan para mapabilang sila 2018 FIFA World Cup quarter-finals.

Brazil beat Mexico 2-0 to reach quarter-finals

Brazil beat Mexico 2-0 to reach quarter-finals (Reuters) Source: X03739

Ang mga manlalaro ni Tite ay hindi pa rin nakakuha ng full stride sa Russia 2018, sa pagaakalang marami pa silang pagdadaanan, subalit ang ika-51 na minutong goal ni Neymar at ang ipinamalas ni Firmino ay nangangahulugang ang mga paborito sa torneo ay nakaabante ng matiwasay sa mga susunod na yugto ng torneo, at naiwasan nilang mapasama sa naging masalimuot na pagtatapos na dinanas ng Spain Germany at Argentina.

Dinomina ng Mexico ang laban sa unang 20 minuto ng laban sa Samaara, subalit hindi nila maituring ito na malaking bentahe at sa huli, di din sila pinalad .

Matapos na magpakitang-gilas ng Mexican goalkeeper, para harangan sila Gabriel Jesus at Philippe Coutinho, nagawang makalusot ni Neymar sa back post – para makakuha ng pangalawang goal niya sa torneo matapos ang ilang sandali sa half-time.

Nagkaroon ng magandang margin sa loob ng dalawang minutong natitira sa laban, nang si Firmino – na kapalit para kay COutinho – ay nagpakita ng magandang pagtatapos matapos tumira ni Neymar ng counter-attack.

Ang di lang naging magandang resulta para sa five-time champiopns ay ang second –half booking kay Casemiro na nagpapatanggal sa kanya sa quarter-final clash laban sa Belgium o Japan.

Samantala, ang Mexico ay nagbabalik-tanaw sa kanilang opening 1-0 na panalo laban sa Germany, ngunit ngayon ay naiwan na sa ikapitong magkasunod na exit sa last-16 stage.

BASAHIN DIN:

Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag
Source: Omnisport

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand