Hindi pinalampas ng goalkeeper ng Russia si Koke at Iago Aspas, habang ang 2010 champions na Spain na nagdomina sa laro, ay natalo 4-3 sa penalties.
Si Sergei Ignashevich ang naging pinakamatandang nakaiskor ng sariling goal sa kasaysayan ng World Cup nang ang 38-taong gulang na manlalaro ay nagbigay ng bentahe sa Spain sa kanilang laban sa Luzhniki Stadium.
Na-cross isolate ni Isco sila Ignasecixh at Sergio Ramos sa kanilang back post, ang Russia defender naman ay sinubukang pigilan ang bola na makapasok sa goal.
Tinapatan ng Russia ang kalaban sa ika-41 na minuto, nang makakuha ng penalty si Artem Dzyuba matapos syang maharang ni Gerard Pique sa box.
Hindi mapigilan ng Spain ang malakas na depensa ng Russia at di nito nakuha ang penalty matapos ang VAR review sa extra-time, na nagbigay ng tie sa shoot-out.
Naharangan naman ni Akinfeev ang penalty na siya dapat nakapagpatigil sa Russia at hindi din napigilan ni David de Gea ang alinman sa apat na tira ng kalaban. Naharangan naman ng goalkeeper ang pagtira ni Aspa, naging dahilan para sa Russia upang magsaya.
BASAHIN DIN: