Ang mga tipikal na kliyente ng South Australian migration agent na si Arvin Sy Chang ay mga estudyante na nasa Australya na naghahanap ng paraan upang sila'y maging PR pagkatapos matapos ng kurso nila.
Ayon kay Mr Chang, ang Commercial Cookery at Culinary Arts ay magandang mga pathways patungong permanent residency.
“In terms of cookery, it’s case to case. It’s whether the prospective students have experience [working in the kitchen] or not, but, there are a lot of options for them," aniya.
Kung interesado kang mag-aral ng Commercial Cookery o Culinary Arts sa Australya, saad ni Mr Chang na alalahanin mo ang mga ito:
1. Kung nagtatrabaho ka na sa kusina, maaaring mag-apply ka na ng skilled visa.
Ayon kay Mr Chang, isang "quick win” ang sitwasyon kung saan may karanasan at kwalipikasyon na ang aplikante sa pagiging cook o chef.

If you have experience working in a kitchen, you may be eligible to apply for a skilled visa. Source: Pixabay
Saad niya na ang pinaka-mainam gawin sa pagkuha ng skilled migration visa ay kumuha ng assessment mula sa Offshore Skills Assessment Program (OSAP) ng Trade Recognition Australia (TRA).
“Since April 2018, regarding temporary skills shortage, the government has been requiring cooks to have their skills assessed and to have at least two years of work experience,” aniya.
2. Alalahanin ang mga trabahong naka-lista sa flagged occupations, short-term, medium-term at long-term.

Take note of Australia's skilled occupation list. Source: Pixabay
Ayon kay Mr Chang, bahagi ng unang hakbang sa pag-aapply para sa Australian visa ay ang pag-alam sa mga trabahong naka-lista sa flagged occupations, short-term skilled occupation list (STSOL), at medium to long-term strategic skills list (MLTSSL).
Ang mga flagged occupations ay mga trabahong maaaring tanggalin na sa skilled occupations list, o mga trabahong maaaring bumaba mula MLTSSL patungong STSOL.
Saad niya na mas mainam na nasa ilalim ng medium to long-term ang trabaho mo kaysa sa short-term. Kapag ang trabaho mo ay naka-lista sa ilalim ng medium to long-term, maaari kang makakuha ng Temporary Graduate (subclass 485) visa pagkatapos ng dalawang-taong kurso mo.
Dahil bumaba na ang cooks sa listahan, hindi na nila maaaring aplayan ang 485 visa pagkatapos ng kurso nila.
Sa kabilang banda, ang mga chefs ay nasa listahan para ng medium to long-term na mga trabaho.
3. Mag-aral maging chef imbis na cook.

If you're seeking a pathway towards permanent residency, become a chef instead of a cook. Source: Pixabay
Ang mga cooks ay naka-lista sa short-term na listahan kaya hindi na sila maaaring makakuha ng 485 visa.
"What a lot of our countrymen do is they take Certificate III in Commercial Cookery, then Certificate IV in Commercial Cookery because this is the minimum requirement to become a chef. They then study Diploma in Hospitality or any diploma course related to their occupation. Taking up the three courses means that their studies would run for two years," saad ni Mr Chang.
Pagkatapos mag-aral ng dalawang taon, maaaring mag-apply ang isang estudyante para sa Job Ready Program (JRP) ng TRA. Kung pagkatapos ng programa ay kaya ng makakuha ng 65 na puntos ng estudyante sa ilalim ng General Skilled Migration, maaari na siyang mag-apply para sa visang ito.
Dahil sa kasalukuyang occupation lists sa Australya, saad ni Mr Chang na mas madaling maging permanent resident kung chef ka imbis na cook.
4. Magtrabaho habang nag-aaaral.
Maraming international students sa Australya ang nagnanais makahanap ng trabaho at maging PR.

Work while you study to improve your employment chances after graduation. Source: Pixabay
Ayon kay Mr Chang, mainam na gamitin ng mga estudyante ang 20 oras kada linggo na pinapayagan silang magtrabaho. Kapag nagtrabaho sila habang nag-aaaral, nagkakaroon ng Australian experience ang mga estudyante, nakakapag-imbak sila ng mga oras na kinakailangan nila upang makapag-apply para sa ibang visa, at nakakapag-network sila.
"In both metropolitan and regional areas in Australia, the demand for cooks is high," saad niya.
It is imperative, however, that students understand their rights when they start working.
Ayon kay Mr Chang, "When you feel that you are being abused by your employer, that you are being underpaid or you are working below the conditions of fair work, move away from that situation because you need proper paper work for your eventual visa. Everything needs to be above board."
5. Northern Territory Designated Area Migration Agreement (DAMA) at iba pang visa na maaari mong kamtan pagkatapos mong matapos sa kurso mo.

You may be eligible to apply for a skilled visa under the Northern Territory Designated Area Migration Agreement (DAMA). Source: Pixabay
Pagkatapos ng kurso nila, may mga iba't ibang visa options para sa mga culinary students kung gusto nilang manatili sa Australya.
Saad ni Mr Chang, ang isang visa na maaaring kamtan ng mga cooks at chefs ay ang Northern Territory Designated Area Migration Agreement (DAMA). Gamit ang DAMA, nabibigyan ng NT ng concessions ang mga aplikante gaya ng pagtanggal ng English requirements at income thresholds para sa employer-sponsored visas. Ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng minimum skill level requirement na 20 oras kada linggo ng pagtatrabaho ng isa hanggang dalawang taon.
Ayon kay Mr Chang, mayroon ding DAMA sa Urana, New South Wales at Warrnambool, Victoria.
Ang isa pang visa option para sa culinary students ay ang Skilled Independent Visa (subclass 189).
"An ideal situation would be finishing Certificate III and IV, and Diploma. This means that you qualify for the Australian student requirement which gives you additional points for General Skilled Migration. If you study in a regional area or in areas such as South Australia, you are awarded five points. You need a total of 65 points to be eligible for General Skilled Migration. Points add up," aniya.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa DAMA, bisitahin ang:
6. Intindihin ang bawat hakbang na tatahakin mo.

Understand every step you need to take in your culinary career in order to obtain permanent residency. Source: Pixabay
Saad ni Mr Chang na mahalagang alam ng mga estudyante ang pinapasok nila.
"Try to understand not only the initial steps but all of the stages. Try to talk with an agent regarding strategies. This allows you to follow a plan and to know what to expect in the end," aniya.
BASAHIN DIN