Ang pagiging isang tagapag-alaga ay isang mahalagang papel ngunit maaari din itong maging mapanghamon sa pisikal at emosyonal na perspektibo.
Paano magsimula
Ang tagapag-alaga ay maaaring miyembro ng pamilya tulad ng ina, ama, anak o lolo at lola. Dahil ang trabaho ay mapaghamon, kailangan muna dumaan sa isang pagsasanay.
“To be a carer for a family member with a disability, you need to learn a lot of information about the disability that a family member has. And also they need to learn new information about resilience and how to overcome challenges in caring for family members with disability,” paliwanag ni Khanh Le, tagapamahala sa isang grupo ng mga tagapag-alaga kasama ang Ethnic Community Services Co-operative ng NSW.
Kung tinitngnan mo na maging permanenteng trabaho ito, maaari kang mag-aral ng isang kurso sa disability services sa TAFE college.
“If anybody wanted a career path, they could start with a certificate 3 or 4 in disability services, and then work their way up. You might start with just working as a support worker, and then they move you up to be a senior support worker, moving you up to be a team leader and you can just exceed from there,” paliwanag ni Karina Tran, na nagtatrabaho para sa Australian Foundation for Disability.
Napakaimportante ng papel ng mga tagapag-alaga sa pagtulong sa mga dumaan sa trauma at may kapansanan na bagong dating sa bansa upang matuto ng mga mahalagang kasanayan upang matagumpay na manirahan sa Australya.

Source: getty images
“You know some people would need to learn how to socialise. Travel training - some people are frightened; they don’t know how to catch public transport. Cooking, basic cooking skills, personal hygiene skills, relationship building and how to communicate with others. So, if we try to make their lives easier by having the support workers that speak their own language that would be a real bonus and that’s what is important, sabi ni Tran.
Mga hamon
Ang pagiging isang tagapag-alaga ay hindi madali. Upang maiwasan ang depresyon at pagod, ang mga kooperatiba ng komunidad etniko serbisyo ay naglalagay ng malaking importansya sa kalusugan ng mga tagapag-alaga.
“Our organisation, we run an information session about their rights and we also foster social inclusion. We encourage carers to attend wellbeing sessions and to go on outings to improve their well-being,” sabi ni Le.
Mahalaga na huwag pabayaan ang sariling kalusugan at kaligayahan habang nag-aalaga ng ibang tao. Ang pagkakaramdam ng isolasyon ay karaniwan dahil mayroong konting oras ang mga tagapag-alaga para sa sarili.
Si Ljiljana Zruic ay nag-aalaga ng kanyang 26 anyos na anak na mayroong Down's syndrome.“It’s fear of him not fitting in into this world, fear of not being accepted, and then as a mother, you do want to hover over them even more because you want to be everything and everybody for them. This year was the first time; I had a holiday for two weeks away from him, in 25 years,” sabi niya.
May mga panahaon din na nakakaramdam ng mga pagkabigo ang mga tagapag-alaga na maaaring lumabas sa mga relasyon nito. “In marriages, it can cause a lot of friction. Speaking to other wives and husbands, they do complain a lot that the wives’ all the time is taken up with the person they are looking after and the partner usually feels left out or is last on the list,” dagdag niya.

Source: nick and ljiljana
Ang mga hamon sa pag-aalaga ng mga kamag-anak na may kapansan ay higit din para sa mga refugee lalo na sa mga bagong dating at naghahanap ng ampunan na limitado ang Ingles. “The problems are multiplied because speaking English as well as I think I do and knowing a lot. But when you come to the country and not knowing the language and don’t know the rules and don’t know what’s available – yes, it’s multiplied – very much so,” sabi niya.
Marami ang nakaranas ng persekusyon at iba pang mga seryosong abuso sa karapatang pantao. Ang mga karanasang ito ay may malaking epekto sa pisikal at pangkaisipang kalusugan ng ilang mga bagong dating. Mayroong malaking pangangailangan para sa mga manggagawa na nagsasalita ng mga lengwahe maliban sa Ingles at mga nakakaintindi ng mga ganitong sitwasyon.

Source: carer
Mapanghamon ngunit kapakipakinabang
Habang ang pagiging isang tagapag-alaga ay mapanghamon, ito naman ay kapakipakinabang. sabi ni Le ang panonood sa kanyang grupo at mga taong inaalagaan nito ay nagiging daan sa pagbubuo ng mga pagkakaibigan at mas maayos na mga relasyon.
“I have happy moments when I see that they support each other. It’s like the carers become like friends. It’s like they are family members. They treat each other very well. They also go out together and celebrate someone else’s birthday and go out together on the weekends. So I feel really pleased that what I have contributed benefits the people in the community.”
BASAHIN DIN: