Paano sasagutan ang Census?

Citizen ka man, residente o anuman ang hawak mong visa, lahat ay kailangang sagutan ang Census.

Kung nakakatanggap ka ng sulat tungkol sa Census noong nakaraang Agosto, pwede ka pang makahabol para sagutan ang form.

Nakalagay sa sulat ang instructions at website na dapat puntahan. Kasama din dito ang iyong UNIQUE CENSUS NUMBER at TEMPORARY PASSWORD na kakailanganin mo sa pagsagot ng form. 

Maaari mong kumpletuhin ito online o gamit ang papel na form. 

Kung gusto mong gumamit ng papel na form para sagutan ang mga tanong, maaaring tumawag at mag-request sa 1800 130 250.

Aalamin sa Census ang ilang impormasyon tulad ng:

  • edad
  • relihiyon
  • bansang sinilangan
  • trabaho
  • bilang ng kasama sa bahay
  • wika
  • edukasyon 
Nakapanayam din natin si Dr Franklin Soriano, tagapamahala ng Economic Analysis and Modelling Unit ng Australian Bureau of Statistics para sagutin ang ilan pang mga katunangan kaugnay sa pagkumpleto ng Census form.

Paano po kung nahihirapan akong sagutin ang form?

“Dahil ang mga katanungan sa Census ay nasa wikang Ingles. Kung kayo ay nahihirapan sumagot sa mga tanong, pwede po kayong humingi ng tulong sainyong mga kasambahay o mga kaibigan. Meron din po tayong suporta na makukuha sa website ng ABS.”

“Mayroon po tayong tinatawag na fill in the form session na makikita sa aming website. Magtungo lang sa www.census.gov.au/filipino. May inihanda kaming video na gagabay sa inyong pagsagot sa form.”

“Meron din po tayong libreng Translating and Interpreting service, tumawag lang sa 131 450. May makakausap po kayo na makakapag-bigay ng patnubay sa pagsagot sa Census.”

Paano naman po kung naka-lockdown ang aming lugar?

“Sa mga tao na kasalukuyang nasa lockdown dahil sa pandemya, pwede naman po natin ito gawin online. Hindi po natin kailangan lumabas, basta’t meron tayong mobile phone.”

“Kung pipiliin mo pa ring gumamit ng form, basta’t ihulog lamang ninyo ang form sa post office. Ang pagpunta sa post office ay maituturing na essential. Meron kayong isang oras para pumunta sa post office at maihulog ang inyong Census form.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkumpleto ng Census, bisitahin ang website www.census.abs.gov.au. Pwede rin tumawag sa hotline 1800 512 411.

BASAHIN O PAKINGGAN DIN
 


Share

Published

Updated

By SBS Filipino
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand